Watch Now

Pokwang threatens to sue nasty basher of daughter Malia: "See [you] in court for bullying innocent child."

by Arniel C. Serato
Apr 18, 2022
Pokwang claps back at rude basher of daughter Malia
Pokwang mulls filing complaint against basher of daughter Malia O'Brian (not in photo).
PHOTO/S: Courtesy: @itspokwang27 on Instagram

Hindi pinalampas ng comedienne na si Pokwang ang panlalait ng isang basher sa kanyang anak na si Malia O’Brian.

Sa isang post ni Pokwang sa Instagram, ibinida niya ang anak na apat na taong gulang pa lamang.

Sa comments section ay isang basher, na may username na @roxet08, ang walang pakundangang nagkomento na habang lumalaki raw ang anak ni Pokwang ay pumapangit ito.

Bukod pa rito, sinabi rin ng basher na sana ay hindi namana ng bata ang ugali ng kanyang ina.

Ito ang kabuuan ng tastless comment ng basher: “Habang lumalaki pumapanget gaya ng nanay… sana wag mamana ugali ng nanay na panget din.”

Hindi ito pinalampas ni Pokwang.

Binantaan nito ang basher na sasampahan niya ito ng reklamo dahil sa pamgbu-bully sa inosenteng bata.

Sagot ng Kapuso star: “ok nurse ka pala? Noted this see [you] in court bullying innocent child ok.”

Pokwang claps back at rude basher of daughter Malia

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ibinahagi ito ni Pokwang sa kanyang Twitter noong nakaraang Sabado de Gloria, April 16, 2022.

Ang ikinagalit ni Pokwang ay bakit daw kailangan pang idamay ng trolls at bashers ang kanyang anak.

Saad ng komedyana sa caption, “ganon talaga aatakihin tayo ng mga palamunin na trolls nayan haha ayaw nila mag wagi ang katotohanan at kahit batang paslit idadamay waaaa pangit daw si Malia???? Haaa??e ano pa kaya itsura nila??? Bwahaha mga langib sa sugat ng bayan!o pang pelikula deba?? magandang title”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagkomento naman dito ang kaibigan niyang si K Brosas.

Sabi ni K, “san yan???? hindi ako post galore kc semana santa pero wag si malia!!! [angry emojis]”

Nagpasalamat naman si Pokwang sa concern ni K sa kanyang anak.

Sabi niya kay K, “We love and miss you nang nang!!!!”

Pokwang claps back at rude basher of daughter Malia

Hindi na mahanap ngayon ang account ng basher.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pokwang mulls filing complaint against basher of daughter Malia O'Brian (not in photo).
PHOTO/S: Courtesy: @itspokwang27 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results