Watch Now

Jai Agpangan opens up about receiving indecent proposal worth “one million and Tesla car”

by Bernie V. Franco
Apr 18, 2022
jai agpangan
Jai Agpangan on receiving an indecent proposal: “Nag-namedrop pa siya ng ibang artista na na-escort-an siya. Grabe, ganun kalala.” Jai reveals this information in a recent YouTube vlog with influencer Kyo Quijano and actress-singer Maris Racal (inset photo).
PHOTO/S: @jaiagpangan on Instagram / YouTube (Kyo Quijano)

Inamin ni Jai Agpangan, 26, na nakatanggap siya ng indecent proposal na may kapalit na PHP1 milyon at isang mamahaling kotse.

Ayon kay Jai, ibinunyag pa ng nag-alok sa kanya ang mga artistang “na-escort-an” umano siya.

Si Jai ay dating Pinoy Big Brother: Teen Edition 4 (2002) housemate, kasama ang kakambal na si Joj Agpangan.

Ang kambal ay hinirang na fourth runner-up. Ka-batch nila sina Myrtle Sarrosa (Big Winner), Yves Flores, at Kit Thompson.

Ikinuwento ni Jai ang kanyang karanasan sa YouTube vlog ng social media influencer na si Kyo Quijano noong April 13, 2022.

Naglaro sina Jai, Kyo, at Maris Racal ng “Sagot o Lagot” challenge. Ang sinumang hindi sasagot sa isang juicy question ay iinom ng alak.

Ganito ang isang tanong: Naka-receive na ba kayo ng indecent proposal?

Unang sumagot si Jai at umaming may natanggap na siyang ganoon. Marahil daw ay nabighani ang nag-propose sa magagandang Instagram photos ng showbiz personality.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagbubunyag ni Jai: “Alam mo, naka-receive ako kasi akala nila siguro sa akin—fake news yung IG—akala nila matangkad, sexy...

“Naka-receive na ako ng indecent proposal, one million [pesos] and Tesla car. Pero di ko in-accept.”

Ang Tesla car ay may presyong PHP1.9 million to PHP6 million, ayon sa isang artikulo ng www.ecompare.com.

Sundot na tanong ni Kyo kay Jai: “Pero totoo yun? One million and Tesla car?”

Nakatingin na rin si Maris kay Jai.

“Pramis,” panunumpa ni Jai. “‘Di ko in-accept.

“Kasi parang nakakatakot, kasi parang ano siya…” ibinulong na lang ito ni Jai kay Kyo.

“Parang gagawin ata akong ‘xvislib’ [exclusive]. So, parang nag-i-sketchy.”

Banat pang biro ni Jai, “Sa liit kong ‘to, ha [may nagkainteres].

“Feeling ko kasi parang ano lang, influencer chururut.

“May ano pala, escort chururut…”

jai agpangan

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Jai (left) with Kyo and Maris

Sa isip-isip daw ni Jai: “Sure ka? Sure ka sa akin, joke!”

Sagot naman ni Maris, “Ako, wala pa. Di pa naman umaabot sa ganoon. Hanggang mga date lang, movie…”

Pagbabahagi ni Kyo, “Ang parang tanong, parang, ‘Puwede ka bang i-book?' ‘Tapos nakita ko sa Instagram, parang message request, ganun.”

Dinugtungan ni Jai ang kanyang kakaibang experience.

Aniya, “Actually, message request sa akin. Naka-proposal lahat.

“Nag-namedrop pa siya ng ibang artista na na-escort-an siya.

“Grabe, ganun kalala.”

Wala namang binanggit na pagkakakilanlan si Jai sa identity ng nag-alok sa kanya ng indecent proposal.

Sa kabilang banda, makikita naman sa Instagram account ni Jai na siya ay committed ngayon.

Sina Jai, Kyo, Maris, at Carlo Aquino ay magkakasama sa digital series na How To Move On in 30 Days.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jai Agpangan on receiving an indecent proposal: “Nag-namedrop pa siya ng ibang artista na na-escort-an siya. Grabe, ganun kalala.” Jai reveals this information in a recent YouTube vlog with influencer Kyo Quijano and actress-singer Maris Racal (inset photo).
PHOTO/S: @jaiagpangan on Instagram / YouTube (Kyo Quijano)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results