Watch Now

Catriona Gray lists reasons why she's voting for Leni Robredo

by Rachelle Siazon
Apr 18, 2022
Catriona Gray, #PHElections2022
After making a thorough research, Miss Universe 2018 Catriona Gray says she is choosing Leni Robredo for president because of "consistency" in "vision" and "action taken" to serve the public long before the vice president ran for the highest position in the land.
PHOTO/S: Catriona Gray YouTube

"Above all else, of all the candidates, she's the only one who gives me hope for change in the future that I wish to see in my country."

Eksaktong tatlong linggo bago ang May 9, 2022 elections, inihayag ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na ang napili niyang kandidato sa pagkapangulo ay si Vice President Leni Robredo.

Sa kanyang vlog ngayong Lunes, April 18, 2022, ipinaliwanag ni Catriona na siniguro niyang well-informed ang desisyon niya bago ito isapubliko kaya natagalan ang kanyang anunsiyo.

"Well, I guess I had this hesitancy. I didn't want to express a stand without an explanation or without an effort to educate you guys.

"At the end of the day, I want to empower my audience to be a thinking one.

"I want you guys to vote for who you think you should vote for. Not because your favorite artista, or public figure, or beauty queen is voting for someone.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"But it's my hope that by sharing who I am voting for, after doing my own research and looking at those five qualities, whether you agree or disagree with my stance, it'll serve as an invitation to learn more for yourselves..."

Nagsilbing patnubay ni Catriona ang tinukoy niyang limang konsiderasyon na nagpapakita ng kakayahan at karakter ng isang karapat-dapat na pinuno ng bansa: qualified, history, service, platform, at values.

"QUALIFIED"

Ipinaliwanag niya na "great indicator" ang educational attainment at employment history para malaman kung kaya nitong mamuno ng bansa.

"HISTORY"

Tiningnan din ni Catriona kung paano ginamit ng kandidato ang dati nitong "positions of leadership" para gumawa ng "ripples of change" kung mayroon man.

Mahalaga rin sa kanya kung ano ang feedback dito ng mga taong nakakatrabaho nito upang maberipika ang character ng kandidato.

"SERVICE"

Ipinaalala rin ni Catriona na gusto niya ay kita na inuuna ng kandidato ang serbisyo sa bayan kaya ang pansariling interes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, "The leaders are not above us. They are equal to us, petitioning for us and working for our best interests."

"PLATFORM"

Alam daw niyang madalas ay best version ng kandidato ang ipinapakita tuwing eleksyon.

Kaya tinitingnan daw niya kung "consistent" ang kandidato sa pagtulong sa nangangailangan kahit ano pa ang posisyon nito noon.

Gusto rin daw niya na hindi lang salita kundi tunay na umaaksyon ito bilang lider.

"VALUES"

Last but not the least, naniniwala si Catriona na mahalagang suriin kung paano nanindigan ang kandidato sa mahahalagang isyu sa bansa.

"What is their attitude on being held accountable? Are they evasive or do they show up? Are they willing to listen or do they ignore?" saad pa ni Catriona ukol sa guide questions niya sa pagpili ng kandidatong iboboto.

CATRIONA ON ROBREDO'S CHARACTER AND ACCOMPLISHMENTS

Sa huli, sinabi ni Catriona na sa kanyang taimtim na pagsusuri, ang tingin niyang kakikitaan ng mga katangiang hinahanap niya sa isang karapat-dapat na lider ay si Leni Robredo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"And my choice for president is Leni Robredo.

"She's the only candidate with experience in all three branches of government.

"Judiciary as a volunteer lawyer, legislative as a congresswoman, and executive as a vice president," saad ni Catriona.

Naniniwala ang Miss Universe 2018 titlist na pinatunayan ni Robredo na kahit sa gitna ng global pandemic ay may agarang solusyon sa pangangailangan ng taong-bayan.

"I believe one of the most competent responses during the global pandemic was that under the stewardship of her Office of the Vice President.

"One which has actually reflected the highest audit rating from the commisison on audit three consecutive years in a row.

"So there's transparency there, and I really appreciate that," diin ni Catriona.

Bilib din si Catriona dahil hindi lang daw "promises" ang "vision" ni Robredo na iangat ang "education, poverty reduction, at women empowerment" kundi mayroon daw itong ginawang "actual existing programs."

Binanggit niya ang Angat Buhay program ni Robredo, na ayon sa kanyang research, ay rumesponde sa "basic needs, food security, universal healthcare, rural development and housing" ng may "600,000 marginalized Filipino families."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakita rin daw ni Catriona sa track record ni Robredo na marespeto ito sa kapwa at handang makinig sa opinyon ng iba.

Sinabi rin ni Catriona na si Senator Kiko Pangilinan ang iboboto niyang bise presidente.

"Long-serving public servant, effective legislator authoring 79 laws, and active advocate for the agriculture sector, education, and national welfare, my vote for vice president is Kiko Pangilinan," ani Catriona.

Sa huli, idiniin ni Catriona na kung iba man ang kandidatong napipisil ng netizens na nakapanood ng kanyang vlog ay nirerespeto niya raw ang mga ito.

Sana raw ay ma-normalize ang pagkakaroon ng open discussions tungkol sa mga usaping pulitika.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After making a thorough research, Miss Universe 2018 Catriona Gray says she is choosing Leni Robredo for president because of "consistency" in "vision" and "action taken" to serve the public long before the vice president ran for the highest position in the land.
PHOTO/S: Catriona Gray YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results