Watch Now

Donny Pangilinan, Belle Mariano asked if they see each other as girlfriend and boyfriend material

by Melba R. Llanera
Apr 19, 2022
DonBelle, Donny Pangilinan, Belle Mariano, He's Into Her
Donny Pangilinan on He's Into Her leading lady Belle Mariano: "Sobrang humble, she loves God, and she's just herself. That's what I love most about her."
PHOTO/S: Star Cinema

Inamin nina Donny Pangilinan, 24, at Belle Mariano, 19, na nakikita nilang "girlfriend at boyfriend material" ang isa't isa.

Mas kilala sila sa uniname na DonBelle dahil sa tambalan nilang nabuo sa He's Into Her.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang DonBelle love team sa red-carpet screening ng He's Into Her Season 2 na ginanap sa Cinema 1 ng Trinoma Mall sa Quezon City, noong April 8, 2022.

"Marami, marami kay Belle and alam naman niya yun," saad ni Donny ukol sa mga katangiang hinahangaan niya sa young actress.

"Sobrang humble, she loves God, and she's just herself. That's what I love most about her," papuri pa ni Donny kay Belle.

"Everything about him," maiksi pero tila kilig na pahayag ni Belle patungkol kay Donny.

"Happy place" ang paglalarawan ni Donny nang minsang tanungin siya kung ano ang estado ng relasyon nila ni Belle.

May eksplanasyon ang dalawa tungkol dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakangiting pahayag ni Donny sa PEP.ph, "Kasi super happy kami. Nakita ninyo naman, di ba? It's such a blessing where we are, especially to be able to work during the pandemic.

"Just to be with her through this journey, I wouldn't want to spend with anyone else."

Kinumpirma ni Belle na maganda ang samahan nila ni Donny.

"I'm glad that I'm spending this journey with him, I swear.

"You're just there with someone who is very supportive, very caring, he'll support you all throughout," papuri naman ni Belle sa aktor.

DonBelle, Donny Pangilinan, Belle Mariano, He's Into Her

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ALL-OUT SUPPORT FOR EACH OTHER

Dati nang nasabi ni Belle na kung siya ang masusunod ay si Donny lamang ang gusto niyang maging onscreen partner sa mga proyekto niya.

Pero kung dumating ang panahong ipapareha sila sa iba ay buo raw ang suporta nila sa bawat isa.

Sabi ni Donny, "We talked about it naman even in our interviews before. Of course, I always love to work with Belle. Ang dali niyang katrabaho, it's such a privelege to work with her.

"If ever there comes a time na magkaroon kami ng ibang partners, we will talk about it first. Communication is the key.

"I will support her all the way. Basta lahat ng projects na darating sa amin, pag-uusapan muna namin. Yung support namin, hindi mawawala yun."

Pagsang-ayon naman ni Belle, "Yes, I totally agree [that we would talk about it] before we do something.

"But you know, honestly, like what I said in an interview, I wouldn't hinder Donny. I will support him all the way.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"We'll communicate about it, we'll talk about it."

DonBelle, He's Into Her

MEETING DONBELLE FANS AT HE'S INTO HER SCREENING

Punung-puno ng mga tagahanga ng DonBelle ang advanced screening ng He's Into Her Season 2.

Labis ang pasasalamat ng DonBelle sa suporta at pagmamahal na ibinibigay sa kanila ng fans.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad ni Donny, "Grabe, nakita ninyo naman. First time naming magkaroon ng crowd since nag-pandemic, never pa kaming nag-live.

"The fact na kasama namin sila together yung episode one, kami din first time naming mapanood.

"It's so surreal, grabe. It's such a journey that we went through in Season 1.

"In this Season 2 with them, I couldn't ask for more talaga."

DonBelle, Donny Pangilinan, Belle Mariano

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag ni Belle, "Nakakatuwa nga, bawat scene talagang naririnig mo ang reactions nila.

"It's really nice. It's really a good series to watch to talaga."

Mapapanood ang He's Into Her Season 2 sa iWANTFC simula bukas, April 20, 2022.

Pinagbibidahan ito nina Donny Pangilinan, Belle Mariano, Jeremiah Lisbo, Joao Constancia, Criza Taa, Kaori Oinuma, Vivoree Esclito, Ashley del Mundo, Dalia Verde at marami pang iba.

Ito ay sa ilalim ng direksiyon ni Chad Vidanes.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Donny Pangilinan on He's Into Her leading lady Belle Mariano: "Sobrang humble, she loves God, and she's just herself. That's what I love most about her."
PHOTO/S: Star Cinema
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results