Herlene Budol gunning for Bb. Pilipinas Grand International crown: "Kitain ko daw po si Sir Nawat."

by Nikko Tuazon
Apr 23, 2022
Herlene Budol
GMA-7 actress Herlene Budol dreams of winning the Bb. Pilipinas Grand International crown: "Ang gusto ko po, MGI pa rin po kasi para dun po talaga yun parang goal ko din. Kitain ko daw po si Sir Nawat po."
PHOTO/S: Herlene Budol / Nikko Tuazon

Aminado ang dating Wowowin co-host na si Herlene Nicole "Hipon Girl" Budol na matindi ang kabang naramdaman niya bago tawagin ang kanyang pangalan sa Top 40 ng Binibining Pilipinas 2022 pageant.

Nitong Biyernes ng gabi, April 22, 2022, inanunsiyo ang Top 40 official candidates ng Binibining Pilipinas 2022 matapos ang final screening ng mahigit 80 aspiring beauty queens na nagnap sa New Frontier Theater sa Araneta City, Cubao.

Read: Herlene Budol makes it to Top 40 of Binibining Pilipinas 2022

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press kay Herlene, sinabi nitong tila panalo na ang kanyang naramdamang excitement nang mapabilang siya sa mga kandidatang opisyal na kalahok sa prestihiyosong pageant.

Pahayag niya, "Nung ano po kasi nasa last part na po ako din tinawag, di ba?

"Kaya po sobrang ano ako, sobrang pressure po ako na baka hindi na ako nakapasok.

"Pero masaya pa rin po ako na nakapunta ako dito sa audition namin na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero nung tinawag po ako, parang nanalo na po talaga ako."

Sa 40 na nakapasok ay ika-35 na tinawag si Herlene.

Dagdag pa ni Herlene, "Nung nakapasok na po ako, talagang unexpected po talaga, na hindi ko po inakala na mangyayari ito sa buhay ko."

Sa pagpasok nito sa kumpetisyon, alin kaya sa mga korona ang kanyang nais mapanalunan?

Sagot ni Herlene: "Ang gusto ko po, MGI pa rin po kasi para dun po talaga yun parang goal ko din."

Biro pa niya, "Kitain ko daw po si Sir Nawat po."

Si Nawat Itsaragrisil ay isang Thai TV personality at producer ng Miss Grand International pageant.

Hindi pa nananalo ng korona ang Pilipinas sa Miss Grand International pageant. Si Samantha Panlilio ang reigning titleholder ng Bb. Pilipinas Grand International.

FROM HERLENE TO NICOLE?

Nangako si Herlene na hindi siya magbabago kahit na isa na siyang ganap na Binibining Pilipinas candidate.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, "Hindi po ako magbabago, dadagdagan ko lang po kung ano yung meron ako."

"Nicole" ang pakilala kay Herlene nang i-announce siya bilang official candidate ng Binibining Pilipinas.

Paliwanag ni Herlene, ang persona nitong si "Nicole" at hindi si "Herlene" o "Hipon Girl" ang lalaban sa entablado ng nasabing pageant.

"Onti lang po talaga yung tumatawag sa akin na Nicole. Usually po talaga, 'Herlene' or 'Budol.'

"Ngayon po, parang si Nicole po ang lalaban ngayon."

Patuloy ni Herlene, "Naninibago po pero alam ko pong ako po talaga yun. Ayun po kasi ang totoo kong pangalan, Nicole po."

Nangako naman ang Kapuso comedienne na hindi pa rin mawawala ang fun at outgoing personality nito bilang "Herlene" kung saan siya nakilala ng mga tao.

"Puwedeng may click minsan. Minsan nami-miss, e.

"Opo, medyo [may finesse na ngayon] pero puwede naman pong bumalik kasi nakaka-miss din po e.

"Puwede naman mo de-switch, de-click button."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayon, pag-iigihan na ni Nicole ang kanyang training para sa Binibining Pilipinas 2022 pageant.

"Konti pa lang po yung nate-training ko, pero siguro po this time, mas po-focus-an ko po yung training kasi mas maraming kailangang idagdag po sa pagte-training ko po."

Anong aspeto ng pagiging beauty queen ang dapat pa niyang i-improve?

Pag-amin ni Herlene, "Siyempre po sa utak."

Bukod dito ay paghahandaan din ni Herlene ang kanyang pasarela.

ONCE A BINIBINI, ALWAYS A BINIBINI

Nahirapan man sa audition, masaya si Herlene dahil marami siyang nakilalang bagong kaibigan.

Aniya, "Siyempre, yung pag-o-audition pa lang po dito, sobrang pahirapan na po, di ba?

"Kaya nung ano po, nung nandito pa lang po ako, sobrang happy na po ako kasi nakasama ko na po yung ibang girls.

"Sobrang babait po. 'Tapos yung iba po nagbibigay pa sa akin ng idea."

Isa sa agad-agad na naging kaibigan ni Herlene ay ang Filipino-German beauty na si Anna Valencia Lakrini.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napag-usapan ng dalawa na magtulungan sa pag-aaral ng lengguwahe ng isa't isa. English ang ituturo ni Anna kay Herlene, habang Tagalog naman ang ituturo ng GMA-7 talent sa kanya.

Sabi ni Anna, "So I'm trying to improve my Tagalog and Herlene is talking in English to me. So we just help each other."

Dagdag ni Herlene, "I talked to her, I told her when we see each other, she speak Tagalog then I will speak in English."

FOREVER GRATEFUL

Umaasa si Herlene na marami siyang mai-inspire sa kanyang pagsali sa Binibining Pilipinas 2022. Ito rin ang nais niyang iparating sa kanyang supporters.

"Para po mas marami po akong maimpluwensiyahan, maging role model po ako sa ibang tao.

"Kagaya po sa mga followers ko na nakasuporta sa akin na hangga't may buhay, may pag-asa.

"Hindi porke't galing ka sa ilalim, hindi ka na makakabangon!"

Nagpasalamat naman si Herlene sa lahat ng mga sumusuporta sa kanya sa pagpasok niya sa mundo ng pageantry.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Maraming-maraming salamat po talaga sa lahat ng sumuporta po.

"At yung mga nag-congrats po sa akin, lalung-lalo na sa manager ko na si Wilbert Tolentino and sa pamilya ko po, salamat po."

READ MORE:

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
GMA-7 actress Herlene Budol dreams of winning the Bb. Pilipinas Grand International crown: "Ang gusto ko po, MGI pa rin po kasi para dun po talaga yun parang goal ko din. Kitain ko daw po si Sir Nawat po."
PHOTO/S: Herlene Budol / Nikko Tuazon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results