Jake Cuenca confirms breakup with Kylie Verzosa

by Rachelle Siazon
Apr 23, 2022
Jake Cuenca, Kylie Verzosa
Jake Cuenca on girlfriend of three years Kylie Verzosa: "I’m still so proud of us because we didn’t want to break up in anger. We both wanted to be able to look back on our relationship with no bitterness, no anger, and no regrets, only the good memories. Certainly that’s what I will be holding on to."
PHOTO/S: @kylieverzosa / @juancarloscuenca Instagram

Totoong nauwi na sa hiwalayan ang dating matamis na pagmamahalan nina Jake Cuenca at Miss International 2016 Kylie Verzosa.

Read: Kylie Verzosa gets emotional about relationship question amid rumored breakup with Jake Cuenca

Tatlong taon naging magkasintahan ang dalawa.

Ngayong Sabado, April 23, 2022, kinumpirma ni Jake na totoong break na sila ni Kylie.

"This was us," bungad ni Jake sa kanyang Instagram post na may kalakip na picture ng miniatures nila ni Kylie kasama ang dalawa nilang alagang aso.

May picture din silang magkahawak-kamay.

Ayon kay Jake, hindi madali ang desisyon nilang maghiwalay ni Kylie.

"I’ll hold on to all our precious memories together with so much value.

"This past 3 years of my life have certainly been the best.

"I say this with such a heavy heart but me and Kylie have decided to go our separate ways," anunsiyo ni Jake.

Hiwalay man ang landas nila ngayon, sinabi ni Jake na nananatiling mabuti silang magkaibigan ng ex-girlfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I’m still so proud of us because we didn’t want to break up in anger.

"We both wanted to be able to look back on our relationship with no bitterness, no anger, and no regrets, only the good memories. Certainly that’s what I will be holding on to.

"I will still be here to support you because in so many ways I feel a part of your journey and I will always pray for your success.

"I’m happy we were able to finish this chapter of our lives the same way we started it. As friends."

Dagdag pang mensahe ni Jake para kay Kylie: "Wherever you are or what ever your doing I will always be sending you love and positivity.

"Know that you will always have a person in me who will always be proud of you. I’ll see you around Kylie."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

KYLIE'S TEARFUL MOMENT ON IT'S SHOWTIME

April 19, 2022 nang umugong ang espekulasyong hiwalay na ang couple dahil sa cryptic post ni Kylie na "broken."

Nasundan pa iyon ng pag-iyak ni Kylie sa It's Showtime kunsaan isa siya sa hurado sa segment na "Sexy Babe."

Naapektuhan si Kylie nang magsalita ang host na si Vice Ganda tungkol sa dahilan ng breakup ng ibang couples.

Ani Vice, "May mga pagkakataon na kahit meron ka pang pagmamahal, kailangan mo nang tapusin ang relasyon na ito."

Biniro ni Vice si Kylie nang mahalata niyang napaisip ng malalim ang dalaga dahil sa usapan sa show.

Inusisa niya kung may "pinagdadaanan" ang beauty queen-turned-actress.

Dito na naiyak si Kylie, na nagdahilan na na-touch lang daw siya sa sinabi ni Vice.

Pero ngayon ay malinaw na totoong naka-relate pala ito sa usapang breakup.

Read: Jake Cuenca posts “I will try to fix you” amid breakup rumors with Kylie Verzosa

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Kylie Verzosa evades question about rumored breakup with Jake Cuenca

THREE-YEAR RELATIONSHIP

Sa loob ng tatlong taong relasyon nina Kylie at Jake, naging bukas ang dalawa kung gaano nila kamahal ang isa't isa.

Madalas silang mag-post ng kanilang sweet photos na kuha mula sa kanilang mga bakasyon at date nights.

Noong pandemya ay may ilang buwan ding nagsama sila sa isang bubong gawa ng quarantine restrictions.

Kaya hindi inaasahang magbi-break ang dalawa na sobrang lapit sa isa't isa.

Nagkahulugan sila ng loob habang magkatrabaho sa defunct Kapamilya series na Los Bastardos, na umere mula October 2018 hanggang September 2019.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jake Cuenca on girlfriend of three years Kylie Verzosa: "I’m still so proud of us because we didn’t want to break up in anger. We both wanted to be able to look back on our relationship with no bitterness, no anger, and no regrets, only the good memories. Certainly that’s what I will be holding on to."
PHOTO/S: @kylieverzosa / @juancarloscuenca Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results