Inalmahan ni Pokwang, 51, ang paratang ng netizens na sinusuportahan niya si presidential candidate Vice President Leni Robredo para maibalik ang prangkisa ng ABS-CBN.
Buwelta ni Pokwang, wala na siya sa Kapamilya Network at masaya na siya sa kanyang kinabibilangang TV network ngayon.
Read: Pokwang calls out Rado Pero, actor DJ Durano in a Facebook rant
Nagsimula ang isyu nang i-repost sa Instagram ni Pokwang ang TikTok dance video niya noong April 22, 2022.
Sinabayan ni Pokwang ang recorded dance performance ni Gab Pangilinan sa isa sa recent campaign sorties ni Robredo at running mate na si Senador Francis "Kiko" Pangilinan.
Paratang ng isang netizen kay Pokwang, pinili ng komedyante si Leni “pra balik ABSCBN”
Sabi ng kritiko, hindi na raw niya sinusuportahan ang ABS-CBN. Hindi rin daw siya pabor na maging pangulo si Robredo.
Sinagot ito ni Pokwang (published as is): “wala na po ako sa abs cbn at happy na po ako sa GMA.”
Pero sa pagpapatuloy ng sagot ni Pokwang, malinaw ang pagpanig niya sa mga Kapamilya stars na pro-Robredo.
“Kung prangkisa po ang habol namin edi sana doon kami sa maaaring magbalik ng prangkisa diba yung mga kakampi ng nagpatanggal.”

Mahihinuhang ang tinutukoy ni Pokwang na "maaaring magbalik ng prangkisa" ay ang mahigpit na katunggali ni Robredo ngayong eleksiyon, ang tambalang Ferdinand Marcos Jr. at Sara Duterte ng UniTeam, na pinapaboran ng current administration.
June 2021 nang pumirma ng kontrata sa GMA-7 si Pokwang, na homegrown talent ng ABS-CBN at nanatiling Kapamilya for 15 years.
Samantala, may isa pang komento na sinagot si Pokwang tungkol sa paglipat niya ng TV network.
Ganito ang komento ni Pokwang (published as is): “ask them why did I left the network? ho ahead ask them!!!!”

Burado na ang komentong sinagot ng komedyante kaya’t hindi klaro ang konteksto ng kanyang reply.
Ang ABS-CBN ay tuluyan nang nawala sa ere matapos pagkaisahan ng pitumpung kongresista na huwag ma-renew ang prangkisa ng network noong July 10, 2020.
KAPAMILYA STARS ON FRANCHISE RENEWAL
Sa kabilang banda, pinaratangan ng mga kritiko ng pro-Robredo celebrities na kumakampi lang mga nasabing celebrities kay Robredo para maibalik ang ABS-CBN franchise.
Isa si Vice Ganda sa mga sumagot sa paratang na ito. Si Vice ay nagdeklara ng pagsuporta kay Robredo.
Tahasang sinagot ni Vice Ganda ang paratang nito lamang April 27 sa episode ng Kapamilya noontime show na It’s Showtime.
Paglilinaw ni Vice sa mga “shunga-shungahan na troll,” hindi na naghahabol ng prangkisa ang kanilang network dahil ipinagkaloob na ito sa iba.
Iginawad na ng National Telecommunications Commission (NTC) sa Advanced Media Broadcasting System, Inc. (AMBS) ang pansamantalang control sa ilang frequencies na dating ginagamit ng ABS-CBN (Channel 2 at Channel 16).
Ang AMBS ay pagmamay-ari ng negosyante at dating senador na si Manny Villar.
Ang iba pang frequencies na hawak dati ng ABS-CBN ay iginawad ng NTC sa companies at personalidad na pro-administration.
POKWANG EXPLAINS WHY ROBREDO
Samantala, sinagot din ni Pokwang ang ilang netizens kung bakit pinili niyang iendorso si Robredo.
Sagot ni Pokwang (published as is): “dahil siya ay maraming nagawa at gagawin pa para sa bayan at mahal ko kinabukasan ng anak ko.
“Kaya wag kang mag sorry kasi maganda ang napili ko para sa mga anak at magiging apo ko.”

Isa pa niyang sagot (published as is): “walang bahid ng korapsyon, nabigyan ng pinaka mataas na pagkilala sa COA [Commission on Audit] ang office of the vice president dahil sa malinis na record nito,
"Mag research po kayo wag sa tiktok at fb magbasa po kayo please now tell me why bbm?”

