Dalawang linggo na ang nakararaan mula noong mag-propose kay Maja Salvador ang kasintahan nitong si Rambo Nuñez Ortega.
Pero hanggang ngayon daw ay hindi pa rin makapaniwala si Maja na engaged na siya.
Read: Maja Salvador is now engaged to Rambo Nuñez Ortega: "My new beginning."
Ito ay ayon sa kanyang Instagram post noong Biyernes, April 29, 2022.
Nag-post si Maja ng carousel ng sweet photos nila ni Rambo kunsaan pareho silang naka-yellow green na suot.
Sa unang litrato ay magka-holding hands ang dalawa habang ipinapakita ni Maja ang kanyang engagement ring.

Magkaibang pose naman ang ginawa nila sa sumunod na dalawag picture pero kita pa rin ang singsing ni Maja.


Sa huling picture naman ay ipinost ni Maja ang isang stolen shot na nakapikit siya habang si Rambo ay nakangiti lang sa camera.

Ani Maja sa caption (published as is), “Mag 2 weeks na pero nasa cloud 9 pa rin ako [white emoji] [ring emoji]
“ILY @rambonunez nakakagigil!!!”
Pina-check din ni Maja sa kanyang followers ang last photo para makita ang sinasabi niyang "nakakagigil" ang boyfriend.
Unang inanunsiyo nina Maja at Rambo ang kanilang engagement noong Easter Sunday, April 17, 2022.
Sa El Nido, Palawan nangyari ang engagement nang magbakasyon doon sina Maja, Rambo, at ang kani-kanilang pamilya.
Taong 2019 nang magkabalikan sina Maja at Rambo.
21 years old lamang si Maja noong naghiwalay sila ni Rambo at inamin niyang ang kanyang career ang kanyang pinili noon kaysa sa pag-ibig.
READ ALSO:
Ruffa Gutierrez reacts to critics who say Herbert Bautista is not the marrying type
Catriona Gray, Pia Wurtzbach pose for a photo with Miss Universe winners
