Pumanaw ang popular make-up artist, stylist, fashion designer, at aktor na si Fanny Serrano nitong Martes ng gabi, May 10, 2022.
Siya ay 74 taong gulang (February 1, 1948-May 10, 2022).
Kinumpirma ng anak ni Fanny na si Maktin Miranda ang pagyao ng ama sa pamamagitan ng isang opisyal na pahayag.
Nakasaad dito: “It is with a heavy heart to share to everyone that my father, Felix Mariano Fausto Jr. aka Fanny Serrano, has peacefully joined our creator last night, around 9 pm at the comfort of our home.
“The whole family are comforted by the fact that a lot of you are celebrating his life and paying tributes on how he has touched people’s lives.
“Internment details to follow, as we, the family, are still fixing all the necessary documents needed. We appreciate everyone’s condolences. Thank you for being with us on this difficult mind.”
Nagbigay-pugay rin si Maktin sa kanyang ama na itinuturing niyang isang icon dahil sa mga kontribusyon nito sa beauty at entertainment industry.
“Thank you to this Man who nurtured, cared and loved me, the one I called Papa, this Man who taught me the true meaning of life.
“Seeing everyone's love as they pay tribute to the ICON is heartwarming.
“I am forever grateful and thankful to you my Papa. I AM PROUD TO BE YOUR DAUGHTER....
“Maulit man ang mundo ikaw at ikaw pa din ang ipagdadasal ko na maging tatay ko.
“Curtains down, it's your final bow, but your LEGACY lives on forever.
“No more pain Papa, you are now in the hands of God The Icon of beauty and Fashion.”
Hindi lamang isang mahusay na make-up artist si Fanny, na nakilala sa mga amazing make-up transformation niya, dahil kilala rin siyang artista.
Nagsimula ang acting career ni Fanny noong dekada ’70 bilang isang gay impersonator na miyembro ng The Paperdolls na nagtatanghal sa mga show ng Girard Peter Models sa Mirador Hotel.
Mula noon, nagkasunud-sunod na ang mga TV at movie assignment ni Fanny na naging in demand make-up artist dahil sa kanyang hindi matatawarang talento.
Kabilang sa mga pelikulang ginawa niya ay ang Star! (1979), Alaga (1980), Sinasamba Kita (1982), Laruan (1983), Tarima (2010), at Jesusa (2019). Ang huli niyang pelikula ay ang Isa Pang Bahaghari (2020).
Umani rin siya ng mga papuri sa kanyang pagganap sa ilang episodes ng ABS-CBN drama anthology na Maalaala Mo Kaya.
Noong March 2021, nagkaroon ng massive stroke si Fanny at matagal nanatili sa Philippine Heart Center na dahilan kaya hindi na siya nakita ng publiko.
Read: Fanny Serrano suffers massive stroke; Sharon Cuneta appeals for prayers
Sina Lorna Tolentino, Amy Austria, at Sharon Cuneta ang ilan sa mga malalapit na kaibigan ni Fanny na nagluluksa sa kanyang pagpanaw.