Nanawagan ng taimtim na dasal si Sharon Cuneta para sa kaibigang si Fanny Serrano na na-stroke ngayong araw ng Martes, March 16.
Sa kanyang Instagram ngayong gabi, umapela si Sharon sa mga taong ipagdasal ang paggaling ng kaibigang aktor at makeup artist.
Humahagulhol na pakiusap ni Sharon, "It’s a private thing supposedly, but I can’t… there’s no way around it.
“I really would just like to ask for your prayers because Tita Fanny Serrano had a massive stroke today.”
Patuloy raw na ginagamot ngayon si Fanny sa isang hindi niya pinangalanang ospital, pero iba pa rin daw ang maidudulot ng sama-samang dasal.
Sabi ni Sharon, “And he’s being treated, he’s conscious, but please can I just ask you to pray for him.
“I’m sorry, but there’s any… prayers can work wonders talaga so can you just please, please pray for Tita Fanny.... I love him so much.”
Sabi niya sa caption ng kanyang Instagram TV: “Please pray for Tita Fanny Serrano...”
View this post on Instagram
Hindi ito ang unang pagkakataong na-stroke si Fanny.
September 2016, isinugod din siya sa ospital dahil sa parehong karamdaman.
Tatlong dekada nang magkaibigan sina Sharon at Fanny, na nag-aayos ng makeup sa mga TV shows, movies, at endorsements noon ng Megastar.
