Nagpahaging si Cassy Legaspi, 21, tungkol sa estado ng relasyon nila ni Darren Espanto, 21, sa pamamagitan ng sunud-sunod na Instagram Story.
Malalim na “friendship” ang meron ang dalawa kung pagbabasehan ang pahayag ni Cassy.
Noong Martes, May 24, 2022, sunud-sunod ang birthday greeting at message ni Cassy.
Mensahe ng dalaga: “I really appreciate you and I’m happy to have you in my life.
“And as usual, you know the rest D!!!”
“Again, happy happy birthday!!”
Read: Cassy Legaspi, Darren Espanto get cozy at Kapamilya singer's party

Sa isa pang post, tinawag ni Cassy na “effortless” ang “friendship” nila ng singer. Pareho nga raw ang takbo ng kanilang isip.
Buong mensahe ng Kapuso actress: “I love how everything about our friendship is so effortless (…literally we don’t even have to talk to each other to get it, we just do).
“It’s honestly scary how we slowly started acting/talking like each other…”

Idiniin ito ni Cassy sa isa pang post, at sinabing nauunawaan ni Darren ang bawat parte ng kanyang pagkatao.
“I’m lucky to have met a person who literally understands all parts of me.”

Ang lahat ng post na ito ni Cassy ay nilakipan niya ng photos at videos nila ni Darren na magkasama.
Matagal-tagal na ring nauugnay sina Darren at Cassy, pero wala pa silang pag-amin kung magkarelasyon na nga sila.
Nitong May 20, 2022 ay nagkaroon ng advanced birthday celebration si Darren na dinaluhan ni Cassy.
Bakas din ang pagiging malapit ng dalawa matapos lumabas sa social media ang kanilang hugging photos.
