Malaman ang hugot ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo tungkol sa kanyang pagtitiis sa isang bagay na hindi niya deserve.
Bandang alas dose ng hatinggabi, Linggo, May 29, 2022, nagpakawala ang beauty queen ng sentimyento sa kanyang personal na pinagdadaanan.
Ibinahagi niya sa kanyang Instagram ang art card na may mensaheng, "I owe myself the biggest apology for putting up with what I didn't deserve."
Caption niya na may kalakip na heart emojis, "Good night."

Palaban man ang dating ng kanyang post ay mahihinuhang emosyonal si Rabiya nang makatanggap ng suporta mula sa ilang mga kaibigan.
COMFORTING MESSAGES FROM FRIENDS
Sa comments section, isa sa naunang nag-comfort kay Pia ay si Miss Universe 2020 third runner-up Adlene Casteleno ng India.
Ani Adlene, "I love you Rabiya [heart emoji] you are the strongest I've known."
Sagot ni Rabiya kalakip ng crying emojis, "Thank you my Desi sister."
Isa pang nagmensahe kay Rabiya ay ang kapwa Miss Universe Philippines 2020 candidate na si Mariel Pascua.
"Love you, ibyang!!!! Hugs and see you," sabi ni Mariel.
Tila nanghingi ng saklolo si Rabiya kay Mariel.
Sagot ni Rabiya kalakip ng crying emoji, "I need you Ma! Sobra! See you tom."
Isa pang kaibigan ni Rabiya na si Krish Halili ang nagsabing, "Talk to me whenever, ibyang."
Sagot ni Rabiya, "we need an army hahahhaha."

Hindi malinaw kung problema sa love life o kung anumang personal isyu ang mitsa ng hugot ni Rabiya.
RABIYA MATEO'S RELATIONSHIP WITH JERIC GONZALES
Sa usaping love life, ang huling nabalitang nauugnay kay Rabiya ay ang kapwa Kapuso star nitong si Jeric Gonzales.
March 16, 2022 nang isapubliko nina Rabiya at Jeric ang kanilang pagmamahalan nang magbakasyon sila sa Bohol.
Tila hudyat iyon ng pag-amin nila sa kanilang relasyon lalo pa't bukod sa pagsabi ni Jeric ng "I love you" kay Rabiya ay kitang-kitang in love sila base sa kanilang sweet photos noon.
Read: Rabiya Mateo, Jeric Gonzales confirm they are now a couple
Kinabukasan, March 17, 2022, lumabas ang ulat ng PEP Troika tungkol sa nakalap nitong impormasyon mula sa isang source na nagkalabuan sina Rabiya at Jeric bago ang Valentine's Day.
Sabi pa sa ulat, "Pero afterwards ay nag-reach out daw si Rabiya kay Jeric, at nagkabalikan sila, hanggang inamin nila ang kanilang pagmamahalan via Instagram nitong Marso 16, Miyerkules ng gabi."
Read: Rabiya Mateo at Jeric Gonzales, nagkalabuan at nagkabalikan?
Sa PEP Live noong February 8, 2022 unang umamin si Rabiya tungkol sa isang "J" sa kanyang buhay na kinikilala pa lang niya noong panahong iyon.
As early as December 2022 naman ay nababalita na ang hinihinalang pagkakamabutihan nila matapos silang mamataang namamasyal sa isang theme park na walang kinalaman sa trabaho.
Read: Rabiya Mateo at Jeric Gonzales, may namumuong magandang relasyon?
