Watch Now

Jayson Gainza "blamed" for Moira dela Torre-Jason Hernandez split: “Hindi ako asawa ni Moira.”

by Bernie V. Franco
Jun 1, 2022
moira dela torre jason hernandez
Comedian Jayson Gainza (left) takes to Instagram after receiving funny messages from netizens about breakup of his namesake Jason Hernandez and Moira dela Torre.
PHOTO/S: @imjaysongainza on Instagram / CTTO

Sinakyan ni Jayson Gainza ang biro sa kanya ng netizens kaugnay ng isyung hiwalayan ng singer na si Moira dela Torre at asawang si Jason Hernandez.

Nitong Martes, May 31, 2021, inanunsiyo ni Jason na nagdesisyon sila ni Mora na maghiwalay matapos ang tatlong pagsasama bilang mag-asawa.

Pag-amin ni Jason, naging unfaithful siya sa pagsasama nila ni Moira.

Pero "nadadawit" sa isyu si Jayson Gainza dahil magkatukayo sila ng asawa ni Moira.

Sa Instagram account ng komedyante, nag-post siya ng reaksiyon kaugnay ng hiwalayan nina Moira at Jason.

Ni-repost niya ang ginawang TikTok video na compilation ng direct messages sa kanya ng netizens na tinatanong at sinisisi siya tungkol sa paghihiwalay nina Moira at Jason.

Halata namang nakikipagkulitan lang ang netizens kay Jayson.

“Pls lang ibang Jayson po yun minsan naiiyak na din ako sa mga message nyo. Ibang Jayson po yun," paglilinaw ni Jayson.

jayson gainza

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kalakip na TikTok video, mababasang sumasagot siya sa mga nagtatanong at nagbibintang sa kanya kaugnay ng Moira-Jason breakup.

“bat ganun pre idol pa naman kita tapos sasaktan mo lang si moira,” komento ng isang netizen.

Message ng isa pa (published as is): “sir bat mo pinakasalan si moira kng lolokohin mo lang pala”

Pabirong sagot ni Jayson: “Pasensya na tao lang. At hindi ako aswa ni Moira he he”

Mensahe ng isa pa: “Ikaw ah, nakuha mo pang mag cheat kay Moira gusto mo bang gripuhan kita jan hah naku Jason masasaktan ka talaga sakin”

Sagot naman ni Jayson: “Pasensya na tao lang”

jayson gainza

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa comments section, isang na ang nagngangalang Jason ang nag-react din.

Komento nito: “nadadamay tayong matitino na Jason”

Sagot naman ng komedyante: “di ba”

jayson gainza

Sinundan ito ng isa pang post ni Jayson. Larawan nila ito ni Moi Marcampo, personal assistant ni Piolo Pascual na nag-aartista na ngayon.

“MOI kapit lang tayo wag tayong bibitaw” biro ni Jayson.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Moi rin ang palayaw ng singer na si Moira.

Ang larawang ito nina Jayson at Moi ay kumakalat ngayon sa social media at nagiging meme kaugnay ng paghihiwalay nina Moira at Jason.

Ni-repost din ni Moi sa kanyang IG Story ang meme nila ni Jayson.

jayson gainza

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Comedian Jayson Gainza (left) takes to Instagram after receiving funny messages from netizens about breakup of his namesake Jason Hernandez and Moira dela Torre.
PHOTO/S: @imjaysongainza on Instagram / CTTO
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results