Ilang buwan nang engaged ang magkasintahang Jason Abalos, 37, at Vickie Rushton, 30.
Sa kanilang mga social media account ngayong araw ng Huwebes, June 2, 2022, inanunsiyo ng dalawa na engaged to be married na sila noon pang September 1, 2021.
Sa kanyang panig, sinabi ng presumptive Nueva Ecija Second District board member na si Jason na ipinagpasalamat niya habambuhay sa Panginoon ang naging samahan nila ng beauty queen.
Hudyat din itong malapit na silang ikasal dahil sa linyang “patugtugin na ang kampana.”
Buong post ni Jason sa Instagram: “Habambuhay ko pasasalamat ang Panginoon sa buhay mo Baba.
“Patugtugin na ang kampana! [face throwing a kiss, heart emoji]
“9/1/21 [ring emoji]”
View this post on Instagram
Bumuhos naman ang congratulatory messages mula sa mga kaibigan sa showbiz nina Jason at Vickie.
Ilan sa kanila ay sina Christopher Roxas, Kaye Abad, Arlene Muhlach, Mellisa Ricks, Hero Angeles, at Rodjun Cruz.



Bumati rin sina Samantha Bernardo, Joross Gamboa, John Prats, Jimboy Martin, at Kristoffer Martin.

Pati sina Rocco Nacino, Nikki Valdez, Japoy Lizardo, Melissa Gohing, at marami pang iba.

“A LITTLE SECRET”
Si Vickie ay nagbahagi rin ng kanyang saloobin ukol sa announcement ng engagement nila.
Siya na rin mismo ang nagsabing itinago nila ang kanilang maliit na sikretong ito.
Sabi niya, “So, Baba and I have been keeping a little secret… [heart emoji]”
Gumamit din siya ng isang talata mula sa Bibliya: “'When the time is right I, the Lord, will make it happen.’ Isaiah 60:22”
View this post on Instagram
Bumuhos din ang mensahe ng kaligayahan sa post na ito ni Vickie kung saan karamihan ay mula sa mga beauty queen na nakasama niya sa pageant world.
Ilan sa mga ito ay sina Pia Wurtzbach, Maria Isabela Galeria, Sharifa Akeel, Jehza Mae Huelar, Janelle Tee, at Eva Patalinhug.


Sa panayam ng PEP Troika kay Jason noong November 2021, tinayak ng aktor na si Vickie lang ang nais niyang masakama habambuhay.
Sampung taon ng magkasintahan sina Jason at Vickie.
READ: Jason Abalos, siguradong si Vickie Rushton na ang nais makasama habambuhay
