Jason Abalos, siguradong si Vickie Rushton na ang nais makasama habambuhay

by PEP Troika
Nov 17, 2021
Jason Abalos Vickie Rushton sweet photo
Kapuso actor Jason Abalos on settling down with Vickie Rushton: "Wala naman kaming mapupuntahan ni Vickie kundi dun, e. Pero kailangan handa kami."
PHOTO/S: @thejasonabalos Instagram

GORGY RULA

Seryoso na ang Kapuso actor na si Jason Abalos, 36, sa pagpaplano sa future nila ni Vickie Rushton, 29.

Sampung taon nang magkasintahan ang dalawa.

Saan pa ba hahantong ang relasyon nila kundi sa kasalan? Pero nais daw nilang paghandaan ito nang mabuti.

Sabi ni Jason sa kanyang virtual mediacon noong Martes, November 16, pinag-uusapan na nila ni Vickie ang pagpapakasal kaya itong mga ginagawa niya ngayon ay paghahanda para sa araw na yun.

"Wala naman kaming mapupuntahan ni Vickie kundi dun, e. Pero kailangan handa kami.

"Hindi lang talaga pinaplano ‘yan, kailangan pinaghahandaan para maging smooth lang kumbaga. Hindi 'yan minamadali.

"Sa panahon ngayon, puwedeng madaliin. Kasi, di ba, pandemya, hindi mo kailangan ng sobrang tagal na preparasyon.

"Pero siyempre kami, sobrang ano ito, e, hindi naman sabihing bonggang kasal, pero gusto namin maging memorable sobra," pahayag ni Jason.

Nag-renew si Jason ng kontrata sa GMA Artist Center ngayon Miyerkules, November 17.

Continue reading below ↓

Thankful siya sa Kapuso network na hindi siya pinababayaan.

Bahagi siya ng afternoon drama series na Las Hermanas, at kampante siya sa career plan ng GMA-7 sa pamamahala ng GMA Artist Center.

"Itong renewal ko, sobra akong na-excite. Kasi, another three years ‘to. Sobra akong thankful sa tiwala na ibinibigay nila.

"Ako naman, hindi naman ako mapili sa trabaho. Kung ano ang ibinigay sa akin, talagang tinatrabaho ko nang maayos.

"Kaya hihintayin ko lang kung ano ang ibibigay nila sa akin for the next years," dagdag na pahayag ni Jason.

JERRY OLEA

Bukod sa ilang negosyong sinimulan ni Jason, pursigido siyang tapusin ang kanyang pag-aaral. Mabuti at online ito kaya naisisingit sa kanyang schedule.

Kursong Management major in Public Administration ang kinukuha ni Jason sa Philippine Christian University.

Ang kaibigang si JC Tiuseco raw ang nag-convince sa kanya na ituloy ang pag-aaral.

Continue reading below ↓

"Nakikita ko kasi, sobrang advantage itong mga online-online para sa mga artista. Na parang sabi ko, kailangan kong i-grab ang pagkakataon na ‘to, kasi hindi mo kailangang pabalik-balik sa eskuwelahan.

"Kasi, alam naman natin na marami tayong ginagawa bilang artista, bilang sa showbiz kahit naman, di ba? Meron tayong nilalakad araw-araw.

"Pero itong mabigyan ka ng pagkakataong makapag-aral ulit online, eto ang bigay ng pandemya sa atin. Kaya kailangan kong i-take ang opportunity na ‘to.

"Kasi, after nito, kung saka-sakali, idiretso ko na sa doctorate para kung ano man, legacy ko na yung makapagturo ako sakali."

NOEL FERRER

At laging bumabalik si Jason sa Pantabangan, Nueva Ecija dahil plano niyang manilbihan sa kanyang probinsya bilang lingkod bayan.

Papasukin ni Jason ang pulitika, at kaya niya itinuloy ito dahil na rin sa suporta ni Vickie sa bagong challenge na haharapin niya next year.

"Naging sign na itutuloy ko yung next year na sinabi ni Vickie na 'suportahan kita.' Dun ako natuwa. Eto na ‘yung mga pinagdadasal ko.

Continue reading below ↓

"Hindi ako mahirapan na pasukin yung sa next year, kasi alam ko, may kasama ako."

Naging vocal si Jason ng kanyang saloobin ngayong pandemya at mas mabisa at responsableng pamamahala ang iniaalay niya sa kanyang mga kababayan.

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actor Jason Abalos on settling down with Vickie Rushton: "Wala naman kaming mapupuntahan ni Vickie kundi dun, e. Pero kailangan handa kami."
PHOTO/S: @thejasonabalos Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results