Watch Now

Raymond Gutierrez admits to having a boyfriend in Los Angeles

by Rachelle Siazon
Jun 3, 2022
Raymond Gutierrez
Raymond Gutierrez on having no boyfriend reveal yet on social media: "I actually like that he doesn’t like the attention. He barely posts. I actually encourage him to post on his private social media. Yeah, so I like that he’s private."
PHOTO/S: @mond Instagram

Inamin ni Raymond Gutierrez, 38, na nakahanap siya ng pag-ibig habang siya ay nakabase ngayon sa Los Angeles.

Read: Raymond Gutierrez recalls "dark phase of self-destruction" when he was hiding his sexual orientation

Sa Superhuman podcast ni Wil Dasovich nitong June 1, 2022, ibinahagi ni Raymond na wala sa isip niya ang paghahanap ng boyfriend nang makilala niya ang di pinangalanang lalaki.

Basta't pumunta raw siya sa Los Angeles sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic, dahil sa Pilipinas ay mahigpit ang lockdown at nakapirmi lang siyang mag-isa sa loob ng condo.

"I think the first few months it was kind of, like, 'Let’s have fun, let’s see where this goes.' But in January, I did meet someone.

"And we're taking it a bit more seriously. And, yeah, we are in a relationship," diretsong pahayag ni Raymond.

Nagulat si Wil dahil di raw niya akalaing maglalaglag ng "boyfriend reveal" si Raymond sa podcast episode nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaswal na komento ni Raymond: "There’s nothing to hide. What is there to hide? If the pandemic taught us one thing, it’s to live your life now."

Pero liban dito ay hindi na nagbigay ng detalye si Raymond ukol sa kanyang non-showbiz boyfriend.

Ni hindi pa raw siya nagpo-post tungkol dito sa kanyang social media.

"He’s not [in the public eye]. I respect that about him. I actually like that he doesn’t like the attention.

"He barely posts. I actually encourage him to post on his private social media. Yeah, so I like that he’s private.

"We havent had a launch yet."

Matagal na raw single si Raymond bago siya pumasok sa relasyong ito.

Saad niya, "Dating in the Philippines is very tough. You get confused. What are the intentions? What do they want out of it?

"Also for the longest time, I wasn't public about my sexuality so it was very difficult.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Obviously, I was dating people quietly. But, yeah, I was single for quite a long time before coming here."

Nang tanungin kung bakit nahirapan siyang makipag-date sa Pilipinas, hindi raw niya masabi kung dahil siya ay "extra choosy" o hindi lang siya talaga ready noong mga panahong iyon.

Pero aminado siyang karamihan sa mga naka-date niya ay foreigner kaysa Pinoy.

Opisyal na nag-come out si Raymond bilang proud member ng LGBTQIA community sa isang magazine cover noong August 2021.

Pero aniya, matagal na siyang out sa kanyang mga kaibigan.

Read: Why it takes Raymond Gutierrez this long to admit he's gay

Si Raymond ay anak ng veteran actor na si Eddie Gutierrez at ng talent manager na si Annabelle Rama. Kapatid niya ang mga artistang sina Ruffa at Richard Gutierrez.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Raymond Gutierrez on having no boyfriend reveal yet on social media: "I actually like that he doesn’t like the attention. He barely posts. I actually encourage him to post on his private social media. Yeah, so I like that he’s private."
PHOTO/S: @mond Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results