PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Brenda Mage proud to introduce new boyfriend; laughs off naysayers

“Anu ngayon kung pera lang habol sakin ng lalaki at niloloko lang ako! Big deal?"
by Arniel C. Serato
Published Jun 6, 2022
Brenda Mage boyfriend Gio Sta. Ana
Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 Fifth Big Placer Brenda Mage on new boyfriend Gio Sta. Ana: "Anu ngayon kung pera lang habol sakin ng lalaki at niloloko lang ako! Big deal? Yung magaganda at pogi nga naglolokohan eh anu pa ganitong mukha."
PHOTO/S: Courtesy: Brenda Mage on Facebook

May bago nang karelasyon ang Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 Fifth Big Placer na si Brenda Mage.

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook page, ipinakilala ni Brenda ang bago niyang boyfriend na si Gio Sta. Ana, na mula sa Sta. Cruz, Laguna.

Itinaon ni Brenda ang pagpapakilala kay Gio sa pagdiriwang ng Pride Month ngayong Hunyo.

Noong June 1, 2022 inanunsiyo ni Brenda na may boyfriend na siya.

Sabi niya sa kanyang Facebook post kalakip ang larawan ni Gio: "MAY JOWA NA AKO ULIT HAHA"

brenda mage boyfriend

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong June 3, si Brenda na mismo ang nagsabing walang kasiguraduhan kung magtatagal ba sila ni Gio.

Basta ang mahalaga raw ay totoo ang naramdaman nila sa isa’t isa.

Saad niya sa kanyang post, “wala naman kasiguraduhan kung magtatagal kayo.. ang importante totoo ang nararamdaman nyo. kahit isa dalawa tatlong linggo o buwan lang ito [rainbow emoji]”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kahapon, June 5, nag-upload si Brenda ng mga larawan nila ni Gio na naliligo sa isang talon.

Mapapansing karga-karga ni Brenda ang boyfriend.

Sabi ng TV personality sa caption: “iayon sa mukha ang pag iinarte !

“Wag nalang kung di niyo kaya ng ganito!

“Mars Ellen Adarna entry nyo ni Pareng Derek ! Hahahahaha”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayong Lunes, June 6, nag-post naman si Brenda ng mga larawan nila ni Gio hawak ang bouquet of flowers na bigay nito sa kanya.

Sabi ni Brenda sa kanyang post: “06.02.22 HAPPY PRIDE MONTH [rainbow emoji] pasurprise surprise ka pa talaga Gio Sta Ana grrrr… Thankyou Love [heart emoji]”

Gaya ng inaasahan, may ilang netizens ang pinupulaan ang pakikipagrelasyon ni Brenda. Baka pera lang daw ang habol ng nobyo sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Buwelta ng komedyante sa mga ito, sino ba ang hindi gumagastos sa mga jowa nila.

Hindi rin daw big deal sa kanya kung pera lang ang habol sa kanya ng binata.

Aniya, “Anu ngayon kung pera lang habol sakin ng lalaki at niloloko lang ako! Big deal?

"Yung magaganda at pogi nga naglolokohan eh anu pa ganitong mukha ahaha anu to Para sa inyo lang Valid ang Feelings hahahaha

"Taas ang kamay sa mga di gumagastos sa Jowa yung malinis ang Relasyon ahahaha HAPPY?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa iba pa niyang post, sinabi ni Brenda na ipinakilala na niya sa kanyang mga magulang ang nobyo.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 Fifth Big Placer Brenda Mage on new boyfriend Gio Sta. Ana: "Anu ngayon kung pera lang habol sakin ng lalaki at niloloko lang ako! Big deal? Yung magaganda at pogi nga naglolokohan eh anu pa ganitong mukha."
PHOTO/S: Courtesy: Brenda Mage on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results