Binigyang linaw ni Barbie Imperial ang ilan sa mga sinabi ng ex-boyfriend niyang si Diego Loyzaga sa panayam nito sa All Out ng Monster Radio RX 93.1 kahapon, June 6.
Sa kanyang Instagram Stories ngayong araw, June 7, sunud-sunod na ibinahagi ni Barbie ang ilang clips ng nasabing panayam kung saan may sinabi si Diego tungkol sa “cheating.”
Ayon kay Diego, sinabi sa kanya ng ex-girlfriend na hindi siya nangaliwa o nagloko noong sila pa, partikular na kapag nasa lock-in taping sila.
Bahagi ng pahayag ni Diego na ibinahagi ni Barbie: "It became a thing for us artistas, di ba... na parang pag may lock-in taping, may nangyayari. But I can I can sit her in front of you and tell you nothing ever happened between me and her like that. I can happily sit on this chair and say I never cheated on Barbie. She knows that.”
Nakalagay sa caption ni Barbie sa nasabing clip: “I never said this.”

Sa isa pang Instagram Story, nagkuwento si Diego sa muling pagkikita nila ni Barbie may dalawang linggo na ang nakararaan.
Dito ay muling nilinaw ng aktor sa ex-girlfriend na hindi talaga siya nagloko sa relasyon nila.
Ani Diego, “I saw her two weeks ago, two weeks ago ba yun, at a club. And I said to her, ‘You know, Bie, after everything we went through you really do know that I never cheated on you.’ And she said, 'Diegs, yeah. I know, I know.'
“'Despite all the stories, are you sure you believed me when I say I never cheated on you? Cause I hear stories that you believed that.' And she said, ‘No Diegs, I know, I know.”
Giit muli ni Barbie sa caption niya sa pangalawang clip: “Nope, never said this.”

Sa kanyang huling Instagram Story, sinabi ng Kapamilya actress na matapos ang hiwalayan nila ni Diego ay wala siyang sinabing masama tungkol sa naging samahan nila.
Ngunit kapag nagsasabi raw ang isang tao ng mga salitang hindi naman galing sa kanya, foul na raw ito.
Buong caption ni Barbie sa black background ng kanyang bagong post: “Never said anything bad after the break up. But I think telling people I said something I didn’t say is foul.”

Inamin ni Diego na December 2021 pa lang ay hiwalay na sila ni Barbie.
“White lie” kung tawagin ng aktor ang sinabi niya noong dahilan kung bakit hindi nakasama si Barbie sa New York dahil hindi ito nakakuha ng visa.
