Watch Now

Barbie Imperial no longer communicates with ex-boyfriend Diego Loyzaga

by Nikko Tuazon
Apr 19, 2022
Barbie Imperial
Barbie Imperial on rekindling friendship with ex-boyfriend Diego Loyzaga: "Kaka-break lang namin… So siguro space muna and we’ll see if kaya talaga namin maging friends."
PHOTO/S: @msbarbieimperial on Instagram

Inamin ng ABS-CBN actress na si Barbie Imperial na hindi na nito kinakausap ang dating boyfriend na si Diego Loyzaga.

Ayon sa Kapamilya star, mutual decision nila ni Diego na hindi muna mag-usap lalo't pa't apat na buwan pa lang ang nakararaan nang mag-break sila.

Aniya, "Ngayon, wala kaming communication or anything.

"Like, we had to stop talking kasi siyempre, kahit naman gusto naming maging magkaibigan, may feelings pa rin, di ba?

"Kaka-break lang namin… So siguro space muna and we’ll see if kaya talaga namin maging friends."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Barbie nitong Lunes, April 18, 2022, habang ito ay nagbabakasyon sa Aqua Boracay kasama ang matalik na kaibigang si Alexa Miro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

not getting back together

Naging usap-usapan kung nagbalikan sina Barbie at Diego matapos mag-comment ni Diego sa Instagram post ni Barbie noong March 19, 2022.

Bago ito, namataan din ang dalawa na magkasama sa isang restaurant sa Pasig City.

Ayon kay Barbie, muntik na silang magkabalikan ni Diego ngunit mas nanaig ang desisyon nilang dalawa na huwag na munang mag-usap.

"Sinabi naman din ni Diegs yun sa interview niya na parang muntik na kami magbalikan.

"Pero alam kasi namin na hindi right time pa na magbalikan.

"Feeling namin pareho na mas maggu-grow kami if hindi kami," paliwanag ng Kapamilya actress.

Nang tanungin kung wala na talagang pag-asang magkabalikan silang dalawa, sagot ni Barbie, "Hindi ko naman sinasabing no chance at all kasi ayoko naman magsalita nang patapos.

"Pero now kasi, mas focused kami sa growth ng isa’t isa."

December 2021 nang maghiwalay ang magkasintahan, pero noon lamang February 4, 2022 ito kinumpirma ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Umabot din ng isang taon ang kanilang relasyon, at nagdiwang pa sila ng anibersaryo noong December 12, 2021.

Umabot din sa isang taon ang kanilang naging relasyon.

WHAT SHE LEARNED ABOUT HANDLING RELATIONSHIPS

Isa raw sa mga biggest lesson na natutunan ni Barbie pagdating sa relasyon ay huwag baguhin ang sarili para lamang sa kanyang kasintahan.

Paliwanag niya, "I think yung biggest lesson I learned, kasi before parang dinidipende ko palagi yung happiness ko sa partner ko.

"Like, minsan iibahin ko yung ways ko kahit di naman masama yung way ko, iibahin ko para mas click kami nung partner ko.

"But I realized if wala ka namang ginagawang masama and tanggap ka talaga nung lalaki, parang, you don’t have to change anything about yourself.

"So ayun, kasi parang mawawala ka rin, e, if babaguhin mo yung ways mo para dun sa tao."

Ilang beses mang na-heartbroken si Barbie. Ito raw ang dahilan kung bakit mas mature siya pagdating sa paghawak sa isang relationship.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paliwanag niya: "Feeling ko kasi, yung mga relationships ko before Diego, parang medyo immature yung pag-handle ko.

"Like, if nahe-hurt ako ng isang tao, idadaan ko agad sa social media, ganito-ganyan.

"But ngayon, parang gusto ko na ibahin yung ways ko kasi parang feeling ko din na pare-pareho yung nangyayari kasi ang immature din ng ways ko.

"Siguro, if I’ll make a change, mas magiging better yung relationships ko in the future."

SINGLE FOR NOW

Sa ngayon, nagdesisyon din si Barbie na hindi muna makipag-date at mag-focus muna sa kanyang sarili.

Saad niya, "Personal choice siya kasi before, after breakup, medyo… siyempre, pag single ka, enjoy, ganito, ganyan.

"But this time, I want to make a difference na kaka-break ko lang.

"I feel like if mag-focus ako sa sarili ko muna, yung mga… yung sinabi ko kanina, baka yung maging relationship ko in the future, mas maging better na."

READ MORE:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Barbie Imperial, HINDI naniniwala sa SECOND CHANCES?

Barbie Imperial admits she waited one week for Diego Loyzaga to win her back

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Barbie Imperial on rekindling friendship with ex-boyfriend Diego Loyzaga: "Kaka-break lang namin… So siguro space muna and we’ll see if kaya talaga namin maging friends."
PHOTO/S: @msbarbieimperial on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results