Ikinatutuwa ng bagong GMA-7 star na si Bea Alonzo na sunud-sunod ang proyektong ginagawa nito kasama ang bago niyang on-screen partner na si Alden Richards.
Magkatambal ang dalawa sa Kapuso remake ng South Korean drama series na Start Up at sa pelikulang Special Memory na Philippine remake naman ng Korean movie na A Moment to Remeber (2014).
Bukod dito, may ilang endorsements na ring pinagsamahan ang dalawa. Kabilang na nga rito ay ang pagiging ambassador nila ng "Love Strong" campaign ng Century Tuna Superbods 2022.
Sambit ni Bea, "Nakaka-happy kasi very comfortable na ako with Alden and he inspires me to be healthy.
"So very ano ito, timely itong commercial na ito for the both of us."
Ganito rin ang pakiramdam ni Alden. Ngunit para sa Kapuso actor, dream come true talaga ang makatrabaho ang isa sa kanyang mga iniidolong aktres.
Aniya, "Kasi nga po ang dami naming projects together.
"And ang nakakatuwa din kasi, this is the first time na nagkaroon ako ng opportunity to work with Bea na pinangarap ko for the longest time in my lifetime.
"So ngayon, nabibigyan kami ng oppotunities to endorse common products, common endorsements, timely siya kasi may mga ginagawa din kaming projects together, so at least, very diverse [yung projects]."
Pabiro namang sabi ni Bea, "Sana hindi pa nagsasawa sa akin si Alden."
Bukod sa proyektong kanilang ginagawa, meron pa raw mas malaking project na puwedeng abangan ang kanilang mga fans.
Patikim ni Bea, "Actually, meron pang hindi pa naa-announce. May isa pa next year...
"Very exciting yun. Isa yun sa pinakamalaki."
Na-interview sina Bea at Alden ng PEP.ph (Philippine Entertaine at iba pang myembro ng press sa VIP night ng Century Tuna Superbods 2022 noong nakaraang Biyernes, June 3, 2022, sa Sofitel Philippine Plaza sa Makati City.
Read also: Alden Richards, Jeric Gonzales, and Bea Alonzo recreate Start-Up's important scenes
BEA ALONZO: GRATEFUL TO ALDEN
Nang tanungin naman kung kamusta ang friendship sa pagitan nila ni Alden, sinabi ni Bea sobrang mabilis itong naging komportable sa aktor.
Aniya, si Alden pa ang kanyang naging unofficial "welcoming committee" sa Kapuso network.
Sabi ni Bea, "Parang mas komportable. Alam mo yung parang ano…
"Kasi since siya na talaga yung official welcoming committee ko sa GMA, I feel na parang kapag meron akong paninibago...
"Or halimbawa, first time ko na-meet yung certain person, siya yung una kong natatanong, and I trust his judgement.
"And parang siya yung nagpapaliwanag sa akin sa mga bagay-bagay."
Naging madali rin para kay Bea ang mag-adjust sa kanyang bagong home network sa tulong ni Alden.
"And I’m so lucky that he’s right there beside me kasi, you know, he’s such a wonderful human being.
"And so parang mas madali for me, I’m so blessed that he’s beside me on my journey."
Read also: Bea Alonzo says Start-Up made her sign with GMA-7
BEA ALONZO AND ALDEN RICHARDS ON START-UP
Samantala, nagbahagi na rin sina Bea at Alden ng mga kaganapan mula sa set ng Start-Up PH.
Si Bea ang gaganap sa karakter ni Dani, ang pinoy version Seo Dal-mi (Bae Suzy). Si Alden naman ang gaganap sa Pinoy version ng karakter ni "Good Boy" Han Ji-pyeong (Kim Seon Ho). Kasama rin nila dito sina Yasmien Kurdi at Jeric Gonzales.
Ayon kay Bea, wala pa sa kalahati ng series ang natatapos nilang kunan.
Kuwento nito, "Hindi pa naman kami masyado nakakakalahati.
"Pag nagte-taping kami, talagang hinihimay nilang mabuti yung bawat eksena, kaya parang wala pa sa kalahati yung nashu-shoot namin."
Sa ngayon, hindi pa rin daw ganun karami ang eksena na pinagsasamahan nina Alden at Bea.
Ani Alden, "Ngayon, parang may times na hindi ko nakakasama si B."
Dagdag na paliwanag ni Bea, "Kung mapapansin niyo kasi sa first part ng Start-Up, lagi lang nakamanman si… Laging from afar lang."
Patuloy ni Alden, "So parang nung huling taping namin, dun pa lang kami nagkakaroon ng eksena na sweet. Nasa bahay, ganyan, tinginan, ganyan."
Hindi pa man ganun kadami ang kanilang eksena, madali rin para kay Bea ang makatrabaho si Alden.
Pahayag nito, "Para siyang sayaw, may sarili kayong rhythm. Nararamdaman ko yun with Alden. So parang it’s easier."
Para naman kay Alden, may mga puntong damang-dama nito ang bawat emosyon kapag ka-eksena si Bea kaya naman tila nabibitin ito kapag nagaka-cut na ang direktor.
Aniya, "Giver si Bea, e. When you act with Bea, based on my experience, para kayong nakasakay sa stream, parang stream of consciousness na dere-derecho lang.
"So feeling namin, minsan, ako ewan ko kung nararamdaman mo ito, na yung eksena kulang kasi feeling ko, puwede pa siyang humaba with improvisation."
Sabi naman ni Bea kay Alden, "Malay mo minsan mag-improv tayo. Improv work sa isang pelikula. That would be the dream."
READ MORE:
