PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angelika dela Cruz receives death threat and four bullets

Angelika dela Cruz: "Napakadumi po talaga ng politika sa ating bansa."
by Arniel C. Serato
Published Jun 8, 2022
Angelika dela Cruz gun bullets threat
Angelika dela Cruz posts on her Facebook account a picture of four gun bullets and a note warning her about her safety.
PHOTO/S: Courtesy: @angelikadelacruz on Instagram / Angelika dela Cruz on Facebook

Ikinadismaya ng aktres at Barangay Longos, Malabon barangay captain na si Angelika dela Cruz ang pulitika sa bansa dahil sa maduming laro ng iilan.

Kahapon, June 7, 2022, ibinahagi ni Angelika sa kanyang Facebook account ang picture ng apat na bala ng baril.

Kasama rin dito ang sulat na tila banta sa buhay niya at iba pa niyang kamag-anak.

Sabi ni Angelika sa post, “Napaka dumi po tlg ng politika sa ating bansa .. yan po ang sulat at bala na pinadala sa XO ng aming Barangay na nagsasabi na may 4 daw na susunod at kaya may umiikot na d kilala sa bahay naming mag kapatid.. grabe naman kayo kung sino man kayo na gumagawa nito sa amin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bilang isang lingkod bayan, kaakibat nito ang banta sa kaligtasan ng mga namumuno sa ating pamayanan.

Naalarma marahil si Angelika dahil noong May 28 lamang, binaril ng riding-in-tandem ang kapitan ng Tonsuya, Malabon na si Filemon Villanueva.

Umaga ng araw na yun, biglang dumating sa bahay ng kapitan ang dalawang suspects at pinaulanan siya ng bala.

Naisugod pa siya sa ospital ngunit hindi na nito kinaya ang mga natamong sugat ng bala at namatay rin kinalaunan.

Noong October 2013, may nagtangka na ring patayin si Angelika na tumatakbong barangay captain noon sa lugar.

Pagsasalaysay noon ni Angelika sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal): “Nag-house to house ako, siguro mga 5:30 o 6 ng gabi yun, biglang may sumugod sa akin na tao na may hawak na kutsilyo.

"Yung tinutukan na ako, na parang sasaksakin na ako.

"Buti na lang, may bodyguard ako na 'binigay ng asawa ko, hinatak nila ako.

"Pinayuko nila ako, kasi baka merong magbaril naman, kaya takot na takot talaga ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

First time daw maka-experience ni Angelika ng ganoong karahasan sa unang sabak niya sa pulitika at kampanya.

Nang mangyari ang insidente, inamin ng Kapuso actress na hindi niya alam ang gagawin niya.

“Parang nanigas kasi ako, parang natulala ako sa sobrang pagkabigla.

“Buti na lang, alert naman ang mga bodyguards ko. Nahatak nila ako, kasi hindi ko na alam ano ang gagawin ko."

Kaagad na inilayo si Angelika sa lugar ng insidente dahil bigla namang sinugod daw ng mga tagaroon ang taong nagtangkang sumaksak sa kanya.

Kinuyog ito at pinagbubugbog.

Bagamat galit na galit ang mga taong nakapaligid, hindi nila napatay ang suspek.

READ: Angelika dela Cruz pins political rivalry as motive for harrowing attempt on her life

Hindi pa malinaw ngayon kung ano ang susunod na hakbang na gagawin ni Angelika kaugnay sa banta sa kanyang buhay.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angelika dela Cruz posts on her Facebook account a picture of four gun bullets and a note warning her about her safety.
PHOTO/S: Courtesy: @angelikadelacruz on Instagram / Angelika dela Cruz on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results