Ikinasal na ang Pinoy Big Brother: Teen Class 2010 housemate na si Joe Vargas sa kanyang non-showbiz fiancée na si Bianca Yanga kahapon, June 8, 2022.
Ginanap ang kanilang garden wedding sa Club Ananda, Nasugbu, Batangas.
Ibinahagi ni Joe ang pag-iisang dibdib nila ni Bianca sa pamamagitan ng Instagram.
Kuwento ni Joe sa kanyang Instagram, “While waiting for Bianca walk down the aisle, my mom whispered something…. ‘Anak sobrang ganda ng lugar, sobrang ganda ng set up dito sa Ceremony and lalo yung reception, di ka ba mahihirapan nyan? Di ba pinilit?’
“Then I asnwered, ‘Ma, sinubukan namin, nagawa naman namin, ngayon mas nalalaman na namin mga kaya namin gawin together.’”
View this post on Instagram
Kabilang sa groomsmen sa kasal sina Gerald Anderson, Patrick Sugui, Ryan Bang, at Marco Gumabao.
Bridesmaids naman sina Julia Barretto, Chie Filomeno, Gabbi Garcia, Ria Atayde, at Magui Ford.
View this post on Instagram
Na-engage sina Joe at Bianca noong January 2022.
READ: Ex-PBB Teen housemate Joe Vargas engaged to non-showbiz girlfriend
Kasama ni Joe sa PBB noon ang Big Winner na si Gerald at ang runner-up na si Ryan.
Ilan sa mga pelikulang naging bahagi siya ay ang Apple of My Eye (2019), She’s Dating the Gangster at The Legal Wife (2014), at teleseryeng Mutya (2011).
Kasama rin siya sa cast ng teleseryeng Di Na Muli na pinagbidahan ni Julia sa TV5.
