Watch Now

Raymond Gutierrez feels liberated after coming out: "I felt free."

by Arniel C. Serato
Jun 14, 2022
Raymond Gutierrez tell-all about his sexuality
Raymond Gutierrez: "Ang ikinagulat ko, when I started coming out to close friends, they were very supportive, they were very loving... Kasi, hindi mo rin alam na someone could be going the same thing as you. And kung mahal ka talaga nila, they’ll be there for you."
PHOTO/S: Courtesy: @mond on Instagram

Kalagitnaan ng 2021 nang aminin ng host at influencer na si Raymond Gutierrez, 38, na siya ay gay.

Pero ngayon lang siya nagsasalita publicly ukol dito.

Read: Raymond Gutierrez recalls "dark phase of self-destruction" when he was hiding his sexual orientation

Sa panayam sa kanya ng respetadong journalist na si Jessica Soho para sa Kapuso Mo, Jessica Soho nung Linggo, June 12, 2022, tila malaya na si Raymond mula sa panghuhusga ng publiko sa kanyang totoong sexual orientation.

Lahad niya, “Noong nag-out kasi ako, I was in a very content place, kung ano yung natutunan natin sa pandemic is to really live your life to the fullest.

“I want to use my platform to empower others na kung may pinagdadaanan silang something similar, napagdaanan ko rin yung ganung struggles, you’re not alone.”

Aminado si Raymond na noong lumalaki sila ng kakambal na si Richard Gutierrez, nahirapan siyang magpakatotoo dahil lahat ng kilos nila ay sinusubaybayan ng publiko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lalo pa't ang pamilya nila ay itinuturing na showbiz royalty.

Ang mga magulang nila ay ang dating matinee idol na si Eddie Gutierrez at ang talent manager na si Annabelle Rama.

Kapatid nila ang actress-beauty queen na si Ruffa Gutierrez.

Saad ni Raymond, “Nung bata pa lang kami, talagang na-feel ko na iba ako.

"Iba yung mga hilig ko kay Chard. Iba yung mga gusto kong gawin and iba yung barkada namin. Iba yung personality namin.

“It also was not easy na si Chard, naging superhero dito sa Pilipinas, naging leading man, naging matinee idol.

"I really felt like I was different."

Iba rin daw ang konotasyon o pananaw ng mga Pinoy noon tungkol sa mga miyembro ng LGBTQIA (lesbian, gay, bisexual, transgender, queer, intersex, asexual) community.

Sabi niya, “And I think that’s why also nahirapan din ako to come to terms with it [sexuality] because ten years ago, being gay is not the same as being gay today.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ngayon, mas marami na tayong nakikitang gay personalities in TV, in movies, in social media.

"Nung panahon ko, pag gay ka, ibig sabihin komedyante ka, sidekick ka, best friend ka, pero hindi ikaw yung bida.

“The decision I was making was not just for myself but for my whole family.”

DEPRESSION

Bago umamin si Raymond, marami raw siyang mga alinlangan sa buhay na hindi niya naintindihan.

Sa kabilang banda, may takot din siya na lagi siyang pinag-uusapan behind his back dahil sa nakikita ng publiko sa kanyang katauhan.

Ani Raymond matapos siyang umamin, “Hindi ko pa nga napi-figure yun sa sarili ko.

“May mga taong na nagli-label sa akin. I have to be honest, medyo na-bully din ako dati ng mga older generation TV hosts and actors.

“Minsan nga dati takot akong pumasok sa mga dressing room kasi sasabihin nila, ‘Ay, di ba yun yung baklang kakambal ni Richard?’

“I think the industry also makes it difficult for celebrities to come out.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dumating daw siya sa puntong ginugol niya ang oras sa pag-iinom at barkada.

Sabi ni Raymond, “I turned to alcohol and partying, and being self-destructive. Kasi hindi ko alam how to come to terms with it.

"Nung time na yun, I didn't know that it was depression."

Paano niya nalampasan ang depression na nararamdaman?

Saad ni Raymond, “I think the first thing you should do is really reach out to someone, o maging open ka sa sarili mo, and really accept if for yourself.

“Pero there came a point na na-realize ko sa sarili ko na walang magsi-save sa akin kundi ang sarili ko.

“Ang ikinagulat ko, when I started coming out to close friends, they were very supportive, they were very loving.

"Kaya yung gusto ko iparating sa mga tao na, open that communication line.

"Kasi, hindi mo rin alam na someone could be going the same thing as you. And kung mahal ka talaga nila, they’ll be there for you."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ON BEING ACCEPTED BY HIS FAMILY

Malaki ang pasasalamat ni Raymond na kinalinga siya ng kanyang buong pamilya nang inihayag niya ang totoo niyang pagkatao.

“I think alam na rin naman nila so when I came out to them, all they could say was, ‘We support you, we love you, we're here for you.’

“And hindi nila ako pinag-feel na disappointed sila, or I was different.

"Ang maganda sa family ko, no matter what we go through, the ups and downs, we're there for each other.”

Kilala ang kanyang inang si Annabelle sa pagiging prangka. Pero hindi raw inakala ni Raymond na yayakapin nito ang kanyang pagkatao.

Aniya, “Sinabi lang niya sa akin na, ‘As long na wala kang tinatapakan, mabuti kang tao, you have a bright future.’

“Hindi naman importante kung sino ang mamahalin ko, ang importante sa kanya na we grow up na she’s proud of us.”

Naramdaman ba niyang naging malayang-malaya na siya matapos isapubliko ang kanyang gender preference?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Masayang tugon ni Raymond, “I felt free.

"Andaming nag-DM [direct message] sa akin, 'Because of your interview, I had the courage to talk to my family about my sexuality.

“'I got inspired to live my authentic self, my authentic life, and really start living my life to the fullest.'”

Ngayon, inamin ni Raymond na mayroon siyang karelasyon na nakabase sa Amerika.

Read: Raymond Gutierrez admits to having a boyfriend in Los Angeles

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Raymond Gutierrez: "Ang ikinagulat ko, when I started coming out to close friends, they were very supportive, they were very loving... Kasi, hindi mo rin alam na someone could be going the same thing as you. And kung mahal ka talaga nila, they’ll be there for you."
PHOTO/S: Courtesy: @mond on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results