Nag-walk out ba ang rapper-songwriter na si Skusta Clee sa isang music festival nitong weekend?
Nakunan ng video ang eksena at ito ngayon ang kumakalat sa TikTok. May caption itong “Skusta Clee nag walk out sa Pandayo alon water music festival.”
Naganap ang music festival sa Amoranto Stadium, Quezon City, nitong June 12, 2022.
Sa gitna ng performance ni Skusta kasama ang mga kagrupo niyang Ex-Battalion, tumalikod ang rapper at umabot sa dulo ng entablado.
Maging ang mga kasama niya, tila hindi inasahan ang ginawa si Skusta.
Nagtagal ng ilang segundo bago bumalik sa entablado si Skusta.
Hindi malinaw kung “walk out” nga ba ang ginawa ng rapper at kung ano ang dahilan.
Read: Crowd chants “cheater” during Skusta Clee gig at Clark musicfest

Samantala, isang netizen (Joshua Genel Beles) ang nagbahagi ng video clip mula rin sa parehong event.
Mas malapit sa entablado ang netizen at maririnig ang usapan ng kanyang mga katabing manonood.
Isang lalaki ang maririnig na nagsabing “nag-back out” si Skusta.
May babaeng sumagot na “ayun siya,” pagtukoy kay Skusta na nasa dulo ng entablado palayo sa stage.
Nang pumunta muli sa entablado si Skusta para sa kanyang parteng pagkanta, maririnig ang malakas na pag-iingay ng audience na malapit sa stage.
Nagtaas ang mga ito ng kamay na naka-middle finger.
Nang matapos ang performance at lumakad ang Ex-Battalion, sabay-sabay na sumigaw ang audience ng “Tulo! Tulo! Tulo!”
Base sa daan-daang comments ng post na ito, ang “tulo” ay in-associate ng mga netizen sa pangangaliwa umano ni Skusta sa dating karelasyong si Zeinab Harake.
Ang video na ito ay mayroon nang 2.4 million views at this writing.

May mga nagtanggol kay Skusta, pero mas marami ang galit dito dahil sa sinasabing pambababae niya.
Isa pang netizen (Bryan Kier Dime) ang nag-post naman sa TikTok (@dvlogg) ng isa pang anggulo ni Skusta na kuha sa Alon Water Music Fest.
Ang netizen ay isang videographer at nasa dulo sa taas ng entablado.
Ipinost niya ang kuhang video ni Skusta ng sinasabing walk out niya papunta sa dulo ng stage.
Sa caption ng videographer, sinabi nitong naramdaman niya ang bigat ng dibdib ni Skusta sa performance na iyon.
Makikita si Skusta na tinatapik nito ang dibdib, ngumiwi na animo’y nasasaktan, at umiiling ang ulo.

Nitong Mayo ay ibinunyag ni Zeinab na nakipaghiwalay siya kay Skusta matapos niyang matuklasang may iba itong babae.
Read: Zeinab Harake: "Kahit pangit ngayon ay nagloloko."
Sa kabilang banda, ilang araw bago ang mga eksena sa Pandayo Alon Water Musicfest, pinag-usapan ang videos sa social media kung saan maririnig ang audience na sumisigaw ng “cheater,” “boo,” at nag-middle finger habang nagpe-perform si Skusta.
Kuha ang mga iyon sa Clark Aurora Fest 2022.
