New couple alert?
Iyan ang usap-usapan ng ilang netizens tungkol kay Erika Rae Poturnak at Kobe Paras.
Spotted kasi ang dalawa sa isang beach trip kahapon, June 15, 2022.
Si Erika ay anak ng dating sexy actress na si Ina Raymundo at asawang si Brian Poturnak.
Si Erika, 20, ay nag-upload din ng Polaroid photos nila ni Kobe na halatang sweet na sweet sa isa’t isa.
Wala siyang inilagay na caption sa kanyang Instagram Stories.

Ni-repost ito ni Kobe, 24, sa kanyang Instagram.

Bukod sa dalawa, may mga kasama rin silang kaibigan.
Kung susuriing mabuti, parang ini-enjoy nina Erika at Kobe ang kanilang bakasyon sa beach.
Ayon sa Candy Magazine, idini-date ni Erika noon ang model na si Chris Card bago sila maghiwalay noong 2021.
Dagdag pa sa ulat, si Erika mismo ang nagkumpirma tungkol sa hiwalayan nila ni Chris sa kanyang TikTok account kasabay ng pagbura niya sa kanilang mga larawan.
Sabi pa ni Erika noon, “Yes, he cheated on me.”
Ang dating girlfriend naman ni Kobe ay isang U.S.-based musician na nagngangalang Gabrielle Current.
Wala pang dagdag na impormasyon ukol dito sina Erika at Kobe at kung ano nga ba ang tunay na estado ng kanilang relasyon.
