Carla Abellana finally breaks silence on split with Tom Rodriguez: “I was disrespected. I was betrayed. I was lied to.”

by Arniel C. Serato
Jun 16, 2022
Carla Abellana breaks silence on breakup with Tom Rodriguez
Carla Abellana on breakup with Tom Rodriguez: "I was disrespected. I was betrayed. I was lied to. I was used. I was shamed. I was made to look so stupid. Kung sana hanggang dun lang po makakabangon din po ako balang araw.”
PHOTO/S: Courtesy: @carlaangeline / @patdy on Instagram

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita na si Carla Abellana tungkol sa hiwalayan nila ng asawang si Tom Rodriguez.

Read: Tom Rodriguez at Carla Abellana, hiwalay na tatlong buwan lamang pagkatapos ikasal?

Sa kanyang YouTube account, sinagot ni Carla ang netizens na nanita sa kanya kung bakit niya ni-like ang “cheating” post ni Ai-Ai delas Alas sa Instagram kahapon, June 15.

Isang netizen ang sumita kay Carla dahil binura umano nito ang comment niya sa YouTube vlog ng aktres kahapon din.

Sabi ng netizen: “And my comment was removed hahaha. Bakit? Takot ka mabasa na hypocrite ka. Wag ka magbait baitan kasi Hindi ka mabait [angry emoji]”

Carla Abellana speaks her truth about breakup

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tugon ni Carla: “Ayaw ko lang po ng negativity.”

Carla Abellana speaks her truth about breakup

Sumawsaw ang isa pang netizen sa usapan.

Buwelta nito kay Carla: “Ayaw mong negativity sana d ka na lang nag like sa mga nega comments kay tom, sana nung nagka problema kayo sana hindi ka nag igs na humihingi ka ng tulong?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sana nag usap na lang kayo, hindi yung hindi mo kinakausap tapos ngayon may balita nag aasikaso ka ng annulment.

“Inaamin naman ni tom nagkamali sya pero d naman po ata tama na natiis nyo sya na hindi kausapin.

“Sana hinayaan mo syang magpaliwanag, kaya lang marami ng nakisawsaw, like noon yung isa sa mga bff mo nag igs about narcissist, tapos may mga fans si tom na sinasabi narcissist ka.

“Sana man lang po mag usap kayo ng maayos ng asawa mo, kaya sguro nag post si tom kasi nagsawa na sya sa kahihintay na kausapin mo sya.

“Hindi po kayo magkaka peace of mind kung d kayo nag uusap mag asawa.

“Kung gusto mong maging masaya ka mag usap kayong mag asawa, sabihin mo sa kanya lahat ng hinanakit mo hindi yung dine deadma mo sya.”

Carla Abellana speaks her truth

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

CARLA FINALLY SPEAKS UP

Dito na tila sumabog si Carla kaya’t ipinaliwanag ang sarili at inilabas ang matagal nang kinikimkim na galit sa puso.

Panimula ni Carla, “opo, nag like po ako, pero yun lang po ang ginawa ko. Hindi ko na po yun inulit.

“Nag like po ako pero hindi ko po ginawa ng paulit-ulit at ng matagal.

"Ang taong lubos na nasaktan hirap pong pigilang hindi ilabas ang galit sa anumang paraan.”

Makahulugang dagdag niya: “I was disrespected. I was betrayed. I was lied to. I was used. I was shamed. I was made to look so stupid.

“Kung sana hanggang dun lang po makakabangon din po ako balang araw.”

Ang labis daw ikinagalit ni Carla ay ang pagdamay sa kanyang pamilya sa usapin nilang mag-asawa.

Aniya, “Pero para gawan pa po ako at ang pamilya ko ng mas marami pang kasamaan at kataksilan sa mga sumunod na araw, linggo at buwan, sobra sa sobra na po ang sakit at pagdurog ng puso at pagkatao ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Iginiit din ni Carla na hindi niya ginawan ng masama si Tom, bagkus lahat ay ginawa niya para sa asawa.

Sabi ng aktres: “Wala po akong ibinigay kay Tom kundi tunay na pagmamahal, respeto, pag-aalaga, pag-aaruga, pag-unawa, pagtitiis, sangkatutak na pagpapatawad, milya-milyang pasensya, paniniwala, pagtiwala, pag-aasikaso, pag protekta, lahat lahat na.”

DID TOM PHYSICALLY HURT CARLA?

Sa sumunod na pahayag ni Carla ay nagpahiwatig siyang may mga pagkakataong "nasasaktan" siya ni Tom.

Saad ng aktres: “Binigay ko po buong buhay ko sa kanya. 7 na taon po akong bawal magalit, magtampo, masaktan, mabigo, malungkot, madismaya dahil hindi po pwede.

“Makakatikim po ako kahit subukan ko pong ipaliwanag sa kanya na nasasaktan niya ako at hindi po tama ang mga ginagawa niya.

“Paulit-ulit ko pong pinapaalala sa kanya na hindi po ako kalaban at mabuti po ang kalooban at intensyon ko.

“7 na taon pong naipon sa loob ko lahat yun. Gustuhin at kailangan ko man pong ilabas, lubos na nakakakatakot po.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinayuhan daw niya si Tom na lumapit sa isang dalubhasa upang magamot ang hindi niya tinukoy na kundisyon nito. Pero hindi raw ito ginawa ng asawa.

Sa kabila nito, pinakasalan pa rin niya si Tom at tinanggap nang buong-buo.

Lahad niya, “Ilang beses ko po siyang hinikayat na magpatingin, magpagamot at magpagaling dahil yun din po ang gumana sa akin. Pero wala parin po.

“Tinanggap ko parin po siyang ng walang pagdududa kahit wala pong pagbabago. Hinarap ko po siya sa altar. Buong puso po akong determinadong alagaan ang pagsasama at pagmamahal namin, at panindigan ang mga sinumpaan namin sa harap ng Diyos."

Dagdag pa ni Carla, "Sa dami po ng binigay ko kay Tom wala na pong natira sakin.

“Galit, pride at ego ko siya narin po ang kumuha sakin at hinayaan ko naman pong kunin din po niya. Pinaglaban ko po siya ng lagpas sa 7 na taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kahit po kung tutuusin wala pa po yung pag like sa iilang comments na yun kumpara po sa nagawa niya sa akin at sa aming lahat, at sa lahat-lahat pa po ng ginawa niya at ginagawa niya.”

Kahit daw maraming idinulot na sama ng loob sa kanya si Tom, hindi raw niya naisip na gumanti rito.

“Sa lala po ng sakit, pambabastos, panloloko, pandudurog, paninira, panggagamit at pagtataksil po niya, mga tinago niya, napakadali pong ibalik sa kanya sa paraan ng pagganti.

“Pero hindi po ako ganun. Hindi po ako bobo. Hindi po ako lalaban kahit tapak-tapakan na po ako ng husto. Hindi po ako mababaw.

“Hindi po ako masamang tao. Kung ano po ang nakikita, naririnig at nababasa ninyo online ay kakarampot lang po ng hindi po ninyo nakikita, naririnig at nababasa kapag wala pong kahit anong camerang naka record.”

Pinanindigan din ni Carla na hindi siya ang kontrabida sa kuwento nilang mag-asawa, na naghiwalay matapos lamang ang tatlong buwang pagpapakasal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi nito, “Kapag sarado na po ang pinto sa pamamahay po namin at wala na pong ibang nakakakita.

“Hindi po ako masamang tao tulad ng sinasabi, nararamdaman, naririnig at nakikita po ninyo online, sa TV, etc…

“Pinalaki po ako ng nanay at lola ko na marunong rumespeto, umunawa, magmahal, magpatawad, magpasalamat, magpakumbaba, at higit sa lahat may takot po siya Diyos.”

Carla Abellana speaks her truth about breakup

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Carla Abellana speaks her truth about breakup

Carla Abellana speaks her truth about breakup

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala nang iba pang sinagot na komento si Carla.

THE BREAKUP

Ilang buwan nang laman ng mga balita sina Carla at Tom dahil sa biglaang hiwalayan nila noong January 2022, tatlong buwan lang mula nang ikasal sila noong October 2021.

Nag-ugat ang hiwalayan ng dalawa dahil sa diumano’y infidelity ni Tom.

Ito ay ayon sa ama ni Carla na si Rey "PJ" Abellana, kung saan si Tom mismo ang nagkuwento sa kanyang natukso ito minsan at napasok sa isang one-night stand situation.

Read: Rey PJ Abellana speaks up on Carla Abellana-Tom Rodriguez marital issue; says Tom had a "one-night stand"

Ayon pa kay Rey, hindi ito matanggap ni Carla kaya nakipaghiwalay ito sa asawa.

Read: Tom Rodriguez at Carla Abellana, hiwalay na tatlong buwan lamang pagkatapos ikasal?

Ang latest na balita, nagpapahanda na umano ni Carla ng mga papeles para sa annulment of marriage na maaari nitong isampa sa korte upang mapawalang-bisa na ang kanilang kasal ni Tom.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Tom Rodriguez posts cryptic photo amid annulment rumor with wife Carla Abellana

Pero hindi raw makapagsalita si Tom tungkol sa kanyang panig sa kuwento dahil sa gag order na umiiral na hiniling ng kampo ni Carla sa husgado.

Read: Tom Rodriguez reveals “gag order” prevents him from speaking his truth

Wala pang reaksiyon si Tom sa mga pasabog ng asawa.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Carla Abellana on breakup with Tom Rodriguez: "I was disrespected. I was betrayed. I was lied to. I was used. I was shamed. I was made to look so stupid. Kung sana hanggang dun lang po makakabangon din po ako balang araw.”
PHOTO/S: Courtesy: @carlaangeline / @patdy on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results