Mariing pinabulaanan ng singer-songwriter na si Ogie Alcasid na may problema ang pagsasama nila ng asawang si Asia’s Songbird Regine Velasquez.
May mga nababasa raw kasi siyang tweets na nagsasabing baka may pinagdadaanan silang mag-asawa kaya minabuti ni Ogie na linawin ang tungkol sa mga intrigang ito.
Sa kanyang Twitter account nitong nakaraang June 13, 2022, sinabi ni Ogie na walang katotohanan ang mga naglabasang tsismis.
Hanggang ngayon daw ay hindi nababawasan ang pagmamahal nila ni Regine sa isa't isa.
Ani Ogie, “I have read some tweets about my wife and I having marital problems. For the record, wifey and I are so much in love and there has not been a day where that love has for each has ever diminished.”
Nagkomento rito ang isang netizen.
Ayon dito, kapag ang tao ay nagpaliwanag sa social media na walang problema ang relasyon nila, kabaligtaran daw ito sa totoong buhay. Ibig daw sabihin, may problema nga sila.
Buong komento ng netizen: “If people explain in a social media that the relationship has no problem and the love never deminished? It means the opposite. So yeah they do have a problem imho.”
Ang ibig sabihin ng “imho” ay “in my humble opinion.”
Sagot lang ni Ogie sa kanya: “God bless you always”

Sa isa pang tweet, nilinaw naman ni Ogie ang mali sa kanyang tweet.
Saad niya (published as is), “I meant were that love for each other has diminished. Arrgh i have to practice proofreading hehe… sorry po… Guys, i wish you would really experience great love. It truly is a blessing.”
May sagot naman si Regine sa sinabi ng asawa.
Sa kanyang Instagram, flinex pa niya si Ogie.
Aniya, “My baba @ogiealcasid [three hearts emojis]”
View this post on Instagram
Sa December 22, 2022 ay ipagdiriwang nina Ogie at Regine ang kanilang ika-12 anibersaryo bilang mag-asawa.
Mayroon silang isang anak, si Nate.
