Angeline Quinto "ready" to get married to Nonrev Daquina: "Siya yung true love."

by Julie E. Bonifacio
Jun 29, 2022
Angeline Quinto, Nonrev Daquina, and their son Sylvio
Angeline Quinto with partner Nonrev Daquino and their baby Sylvio. She says about getting married: "Sa ngayon na nagkaanak ako at bumubuo kami ng sarili naming family, uh, pinag-uusapan namin ang tungkol sa kasal."
PHOTO/S: @babysylvio on INstagram

Engaged na ba si Angeline Quinto?

Napansin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) habang iniinterview ang Kapamilya singer na may suot itong diamond ring.

Ginanap ang interview matapos i-launch ni Angeline ang kanyang bagong line ng Twinqle skin and baby products.

Tanong ng PEP.ph kay Angeline, engagement ring ba ito galing kay Nonrev Daquina, ang tatay ng kanyang baby na si Sylvio?

“Ano yun? Ano raw,” pabirong tanong ni Angeline.

Nang hawakan ni Angeline ang kanyang face mask, itinuro namin kay Angeline ang suot niyang diamond ring at tinanong kung nag-propose na ba sa kanya si Nonrev.

“Hindi ko alam,” sabay tawa ni Angeline na tila umiiwas sa pagsagot.

“Uh, hindi ko pa alam, e. Siyempre kung tatanungin tayo kung gustong pakasalan, baka puwede pa. Sa ngayon, pinaplano pa lang,” lahad ni Angeline.

Pero ang alam ni Angeline, si Nonrev na talaga ang kanyang Mr. Right.

Pagdiin ng Kapamilya singer, "Alam kong siya na yun. Siya yung ano ko, yung true love."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napansin din ng PEP.ph na hindi lang isang singsing ang suot ni Angeline katabi ng diamond ring na pang-engagement.

“Bakit dalawa ang singsing mo? Parang wedding ring,” tanong namin kay Angeline.

“I-explain ko next time,” biro ni Angeline sa amin.

wedding plans

Inamin naman ni Angeline na pinag-uusapan na nila ni Nonrev ang pagle-level up ng kanilang relasyon.

“May mga ganoong usapan na talaga. Hindi man napapag-usapan na lahat, pero unti-unti, dumarating kami sa puntong ganoon.

“Uh siyempre, sa ngayon na nagkaanak ako at bumubuo kami ng sarili naming family, uh, pinag-uusapan namin ang tungkol sa kasal.

"Siya naman ang nag-o-open noon, e. Ang suwerte ko lang kasi naririnig ko sa kanya, ako yung gusto niyang makasama habang buhay, so yun.”

Paglilinaw pa ni Angeline sa isyu na kasal na sa ibang babae si Nonrev, “Uh, sinabi naman din niya sa akin ang tungkol doon. Wala naman… wala naman.

“Nagkaroon siya ng ibang anak sa mga past relationships niya. Pero never naman po siyang kinasal. Wala naman po siyang pinakasalan. Sana ako… hahaha!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Handa na rin daw siyang magpakasal kay Nonrev. At iyan din ang pangarap para sa kanya ng yumao niyang adoptive mom na si Mama Bob.

“Opo naman,” sambit niya.

“Reding-ready naman ako. At saka ano iyan, e, buhay pa ang Mama ko, dream niya iyan sa akin. At saka siyempre, bilang isang babae, talagang ano, gusto ko ring maging maayos ang lahat.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angeline Quinto with partner Nonrev Daquino and their baby Sylvio. She says about getting married: "Sa ngayon na nagkaanak ako at bumubuo kami ng sarili naming family, uh, pinag-uusapan namin ang tungkol sa kasal."
PHOTO/S: @babysylvio on INstagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results