JK Labajo posts hidden “i miss you a lot” message; is this for ex-girlfriend Maureen Wroblewitz?

by Arniel C. Serato
Jun 24, 2022
JK Labajo posts cryptic message about missing someone
Singer JK Labajo deletes breakup post with ex-girlfriend Maureen Wroblewitz fourteen days after announcement of their breakup as a couple.
PHOTO/S: Courtesy: @juankarlos / @mauwrob on Instagram

Tila hindi pa rin nakaka-move on si JK Labajo sa hiwalayan nila ng ex-girlfriend na si Maureen Wroblewitz.

Read: JK Labajo and Maureen Wroblewitz break up

Sa Instagram nitong Huwebes ng gabi, June 23, 2022, isang blangkong kulay bughaw na larawan ang ibinahagi nito sa kanyang Instagram Stories.

Sa unang tingin, parang wala kang mababasa sa kanyang post.

JK Labajo posts cryptic message on Instagram about missing someone

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngunit kung susuriing mabuti, may nakatagong mensahe rito.

Nakalagay sa post: “i miss you a lot”

JK Labajo posts cryptic message on Instagram about missing someone

Walang naka-tag na pangalan o iba pang nakasulat na maaaring tao na pinariringgan niya ng kanyang mensahe.

Kaya ang hinala ng netizens, para ito kay Maureen na nakahiwalayan ni JK nito lamang buwan matapos ang halos tatlong taong relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mutual ang desisyon ng singer at model-beauty queen sa kanilang paghihiwalay.

Para raw ito sa kanilang personal growth dahil masyado pa silang mga bata.

Si JK ay 21-anyos lamang samantalang si Maureen ay 23 taong gulang naman.

Ayon kay JK sa post niya sa Instagram noon, mula sa pagiging "magka-ibigan" ay "matalik na magkaibigan" na sila ngayon ni Maureen.

Kahit ano raw ang mangyari ay si Maureen pa rin ang kanyang “buwan,” na hango sa sikat niyang kanta na may kaparehong titulo.

Buong mensahe ni JK para sa dating kasintahan: “Magka-ibigan na ngayo’y matalik na magkaibigan.

"Lagi mong tandaan na kahit pagbaliktarin mo man ang mundo, kahit saang lupalop man ng kalawakan, ikaw parin ang nagiisa kong buwan.

"Maraming salamat, mahal kita, at hanggang sa muli. [heart emoji]”

Burado na ito sa Instagram account ng “Buwan” singer.

Sa kanya namang account, nag-post din si Maureen ng larawan ng tatlong paru-parong lumilipad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May nakasulat dito na: “life is not happening to you, life is happening for you.”

Caption ni Maureen: “some things come to an end and that’s okay. but now it’s time for us to grow on our own [heart emoji]”

Hindi pa binura ni Maureen ang kanyang post.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Singer JK Labajo deletes breakup post with ex-girlfriend Maureen Wroblewitz fourteen days after announcement of their breakup as a couple.
PHOTO/S: Courtesy: @juankarlos / @mauwrob on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results