Watch Now

Cassy Legaspi, Darren Espanto go on a movie date with chaperone

by Rachelle Siazon
Jun 28, 2022
Cassy Legaspi, Darren Espanto, CassRen
Fans can't help but notice that Darren Espanto and Cassy Legaspi are wearing matching outfits during their movie night.
PHOTO/S: @darrenespanto / @teamcassren Instagram

Halatang nag-enjoy sina Cassy Legaspi at Darren Espanto sa kanilang date night kasama ang nakababatang kapatid ni Darren na si Lynelle.

Read: Cassy Legaspi, Darren Espanto get cozy at Kapamilya singer's party

Nanood sila ng animated movie na Minions The Rise of Gru noong Lunes ng gabi, June 27, 2022.

Sa loob ng sinehan ay masayang kumuha si Darren ng video nila ni Cassy.

Cassy Legaspi, Darren Espanto, CassRen

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Biniro pa ni Darren si Cassy na kung kailan siya nag-video ay saka "tumalikod" ang dalaga.

Cassy Legaspi, Darren Espanto, CassRen

Sabi naman ni Cassy nang ni-repost niya ang video ni Darren, "sorry... Lynelle and I were making chika [laughing emoji]."

Nasa tabi ni Cassy si Lynelle, na sadyang malapit ang loob sa Kapuso young actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kahit kasi nasa Canada pa noon si Lynelle ay nagkakausap na ang dalawa dahil kay Darren.

Cassy Legaspi and Lynelle Espanto

Sa hiwalay na video na ipinost ni Cassy, panay pa rin ang kulitan nilang tatlo

Ani Cassy, "hyped for movie time" kaya ganoon na lang kataas ang energy nila.

Sa labas ng sinehan ay may kuha ring litrato sina Darren at Cassy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Cassy Legaspi, Darren Espanto, CassRen

"Wow, we took a pic OUTSIDE of an elevator this time," saad sa caption ni Darren.

Mayroon kasi silang kuha ni Cassy sa loob ng elevator noong May 2021.

Kasama rin nina Darren at Cassy ang singer at dating The Voice Kids contestant na si Elha Nympha.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magkaiba man ang TV network, nananatiling matatag ang samahan nina Cassy at Darren.

Hindi naman nakaligtas sa fans nina Cassy at Darren na matching ang suot nilang denim jackets.

Hanggang sa kasalukuyan ay hindi direktang sinasabi ng dalawa kung higit na sa pagkakaibigan ang ugnayan nila.

Pero consistent sila sa pagsasabing espesyal ang turing nila sa isa't isa.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Fans can't help but notice that Darren Espanto and Cassy Legaspi are wearing matching outfits during their movie night.
PHOTO/S: @darrenespanto / @teamcassren Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results