Labis ang pasasalamat ni Ina Feleo na buo ang suporta ng Italian husband na si Giacomo Gervasutti sa kanyang showbiz career.
READ: Ina Feleo weds Italian boyfriend in Antipolo with 18 guests
Ikinasal sina Ina at Giacomo sa Pinto Art Museum noong December 2020, at sa nakalipas na isang taon at kalahati ay hindi raw siya nito pinilit na piliing manirahan sa Italy.
Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ina sa launching ng Pamilya Sa Dilim noong June 28, 2022, sa Max's restaurant sa Sct. Tuazon, Quezon City.
Kuwento ni Ina: "Okay naman, nandiyan siya ngayon. I'm happy. Masuwerte ako kasi alam niya kasi artista talaga ako, di ako basta showbiz.
"Alam niya gusto ko talagang mag-artista for life. Number one, alam niya yun at di niya ako pinipigilan sa mga roles.
"Kahit may sexy, okay lang sa kanya kasi supportive siya sa career ko. At the same time, I have to be here.
"Di niya ako pinupuwersa na tumira na lang sa Italy or something kasi alam niya na nandito yung work, e.
"Gusto niya talaga akong mag-prosper, gusto niya na mag-direk rin ako."
Tinanong namin ang aktres kung hindi ba naging problema sa kanila ang cultural differences nila ng Italian husband.
"In the beginning, akala ko magiging problem. Kaya ako, never akong nag-boyfriend ng foreigner.
"Pero surprisingly, I think you just have to find someone na nagkakaintindihan.
"Saka minsan nakakatulong kasi based on their culture nakakatulong. For example before, pag nagagalit ako, nagtatampo, I just keep it, tapos ang dami ng nangyayari. Sumasama na ang ugali ko, nagagalit na ako, pero di mo sinasabi.
"Pero sa kanya, he wants me to talk, talagang nakikinig siya. Ngayon, pag may nararamdaman ako sasabihin ko lang, okay na. Marami talagang bagay ang naayos ng usap, malaki."
Kamakailan ay nag-post si Ina sa kanyang Instagram kasama ang asawa sa Pinto Museum kung saan ginanap ang kanilang intimate wedding nung 2020.
"Kasama lang namin ang mga friends namin nagpunta kami ng Pinto. Nagbi-video-video na rin ako kasi since we got married dun na lang kami nakabalik.
"Favorite naming date place. Nung pandemic wedding, sabi namin, dito na lang kasi twenty lang kami. Di na rin kailangang i-decorate kasi ang ganda na nung place."
ON BABY PLANS
Sa dalawang taon na nilang kasal, handa na rin si Ina kung mabibiyayaan sila NI Giacomo ng anak.
"This year kung mangyari puwede na. Pero ayoko lang din na may pressure kasi walang natutulong din pag prinessure ko.
"Lagi kasi akong grounded, kasi, paano pag hindi nangyari? If I pressure myself too much, mami-miss out ko yung the joy of first two years of marriage.
"I want [to have a baby], I'm really open to it kung mangyari. Two years na rin [kaming kasal] so puwede naman na.”
Kung sakali ay gusto ni Ina ng isa o dalawang anak.
Patuloy ni Ina, "Nung kinasal kami gusto muna namin na kami muna, pero unfortunately, pandemic yun.
"Nasa bahay lang din, walang masyadong biyahe. Actually, di pa kami nagha-honeymoon talaga. Gusto namin mag-Morocco, Greece, Japan, pareho kaming di pa nagdya-Japan."
ON PLAYING YOUNG LAURICE GUILLEN
Sa pelikulang Pamilya sa Dilim, si Ina ay gaganap bilang young Laurice Guillen para sa role na Anita. Ang director ng pelikula ay si Jay Alterejos.
Lahad niya: "I play the young Anita so kumbaga young Laurice Guillen. Very excited ako kasi ngayon ko lang gagampanan pagiging bata na si Mommy.
"Very dark yung story niya about abusive relationship. There will be a lot of psychological damage, trauma…
"Very brief lang yung flashbacks. Kumbaga, sa flashbacks lang ako makikita pero maraming mapapaliwanag sa flashbacks kung bakit ganun si Mamang Anita.
"Pressure talaga sa akin kasi si Mommy napakagaling na artista. Ang dami niyang naipararamdam, naipapakita, na halos walang ginagawa.
"That's something na feeling ko kailangang magawa ko rin bilang batang siya kailangan ko ring makuha yung essence na very internal.
"Si Mommy kasi very intelligent actress na mararamdaman mo na malaman talaga siya so that's the challenge. May pressure, but I love the pressure so excited naman ako."
Bilang anak ni Laurice at yumaong Johnny Delgado, aminado si Ina na noon ay mas kabado siya na makumpara ang kakayanan niya sa galing ng mga magulang.
"Pero siguro dahil matagal-tagal na rin akong umaarte kahit papaano nakikilala din ako na ako lang na hindi nakadikit sa pangalan nila lang.
"Masaya naman ako sa ganun. Nagiging comfortable naman na na hindi lagi kinukumpara.
"But even before naman na kinukumpara I take it as a challenge. And flattered din ako kasi pag sinabi nilang ganun, magaling talaga ang mga magulang ko kaya ako proud ako na at least ang mga magulang ko ganun."
ON WORKING WITH AI-AI DELAS ALAS
Napapanood si Ina araw-araw sa GMA-7 series na Raising Mamay na pinagbibidahan ni Ai-Ai delas.
Kung nahuhusayan ang komedyana sa galing ni Ina bilang kontrabida sa serye, puring-puri din ni Ina ang husay ni Ai-ai
"Mataas ang tingin ko sa kanya even before na nakatrabaho niya si Daddy Johnny. Bukod sa magaling siya, mabait talaga si Ate Ai.
"Dito sa Raising Mamay, ang dami kong nakita performances niya na sabi ko, 'Shucks, iba.'
"Despite the years na ang tagal na niyang umaarte ng serye, films, mayroon pa siyang raw, mayroon pa rin siyang ganun na parang bagong artista.
"Magugulat ka sa kanya, napaka-raw ng emosyon bilang bata ang pino-portray niya na nalalabas niya na di acting, yung talagang raw."
Gumaganap na kontrabida sa naturang serye, para kay Ina ay iba rin ang hamon nito.
"Masaya din pag kontrabida dahil siyempre yung mga bagay na di mo rin nagagawa sa tunay na buhay, yung mg moments na gusto mong magmaldita kasi mayroon kang kinaiinisang tao, puwede mong gamitin pag kontrabida ka.
"'Gagayahin ko si ganun, ito kilala ko ang taong ito or something.' Sa akin sometimes mas exciting ang kontrabida ka
