Hindi lamang saya ang hatid ni Vice Ganda sa kanyang fans sa Amerika matapos ang Fully Vice-Cinated concert niya sa Pechanga Resort Casino sa California, USA, noong July 2 at 3.
Maliban sa surprise performances, usap-usapan din ngayon sa Twitter ang special appearance ng kanyang partner na si Ion Perez. Maging ang sweetness ng dalawa sa stage.
Sa video na in-upload ng kanyang mga tagasuporta, makikitang present si Ion sa parehong gabi ng Fully Vice-Cinated concert.
Naglabasan din ang iba’t ibang video clips kung saan nagpasalamat si Vice kay Ion.
Dumagdag na rin sa kilig ng netizens ang paghalik ni Ion malapit sa labi ni Vice matapos nilang magbatuhan ng “I love you.”
Naulit pa iyon noong ikalawang gabi.
Read: Vice Ganda at Ion Perez, pinakilig ang mga Pinoy sa Amerika dahil sa halikan sa stage
NETIZENS’ REACTION
Dahil sa pagkalat ng larawan at videos, inulan ng mga pagbati si Vice at Ion a.k.a ViceIon mula sa kanilang fans.
Narito ang ilang tweets:
“THE KISS AND THE SMILES AFTER HUHU CONGRATS FullyVICEcinated. #FullyVICEcinated | #ViceGanda”
“Different angle. CONGRATS FullyVICEcinated #FullyVICEcinated | #ViceGanda”
“Congratulations @vicegandako!!!!! you're such a superstar! AMAZING! CONGRATS FullyVICEcinated #FullyVICEcinated | #ViceGanda”
“"I love u" "i love u too" wah vi!!! sungkiss CONGRATS FullyVICEcinated #FullyVICEcinated | #ViceGanda #ViceIon”




Ngayong araw, July 4, nag-post naman si Vice sa kanyang Instagram account ng ilang kuhang larawan mula sa kanyang concert.
Kalakip ang caption ng pasasalamat sa Panginoon sa matagumpay na pagtatapos ng ikalawang araw ng kanyang concert.
Saad niya (published as is), “Thank You Lord!!! Super packed and fun 2nyt concert at Pechanga Casino in Temecula, California. Winner! Chugug! #FullyVICEcinatedConcertTour.”
Sa comments section ay binati siya ng mga co-host niya sa It’s Showtime.
“Congrats mama!!!!” comment ni Kim Chui.
Tatlong pulang puso naman ang komento ni Karylle
“Congratulations! @praybeytbenjamin,” comment ni Amy Perez.
“Congrats ateee,” sabi naman ni Jackie.

Kasama ni Vice sa Fully Vice-Cinated concert ang mga komedyanteng sina Lassy at MC, at si Darren Espanto.
