Dinepensahan ni Pokwang ang sexy actress na si Alexa Miro.
Ito ay matapos i-bash si Alexa sa pagkakaugnay nito kay Ilocos Norte 1st District Representative Sandro Marcos.
Ayon sa mga ulat, si Alexa ng girlfriend ni Sandro.
Gayunpaman, wala pang direktang pag-amin mula kay Alexa ukol sa relasyon umano nila ng presidential son.
Read: Lani Mercado accidentally reveals Sandro Marcos's secret relationship; is it Alexa Miro?
Mas tumibay na may katotohanan ang usap-usapang ito nang mamataan si Alexa sa panunumpa ni Sandro sa Malacañang noong June 30, 2022.
Sa ulat ni Jojo Gabinete sa PEP, nabanggit ditong imbitado si Alexa sa oath-taking at inauguration party na dinaluhan ni Sandro, mga mayor, cabinet members, house representatives, at iba pa.
Lumabas din ang mga ebidensiyang kinukunan ni Alexa si Sandro nang gawin ang panunumpa nito.

POKWANG DEFENDS ALEXA
Sa kabilang banda, ipinost ng PEP.ph ang pagiging spotted ni Alexa sa oath-taking ni Sandro nitong weekend.
Sa comments section, may isang netizen na umalipusta sa sexy actress.
“Sana may utak,” komento nito na may kalakip na hands raised emoji at laughing with tears emoji.
Sumagot ang Kapuso comedienne na si Pokwang para ipagtanggol si Alexa.
Pinasinungalingan ni Pokwang ang batikos kay Alexa dahil matagal na raw niya itong nakatrabaho.
Ani Pokwang (published as is): “Hello po mawalang galang na po sa inyo po pero kilala kopo ang batang yan nakatrabaho kopo ng halos isang taon tatlong beses sa isang linggo…
“At masasabi ko matalino at mabait na bata po si alexa sana maging happy nalang po tayo sa salitang PAG IBIG [heart emoji] God bless ingat lagi.”

Nagkatrabaho sina Pokwang at Alexa sa TV5 game show na Fill In The Bank.
Mixed reactions naman ang netizens.
Ang mga kritiko, inaalipusta ang pagiging sexy star ni Alexa.
May iba na pumanig kay Pokwang at ipinagtanggol si Alexa laban sa mga umalipusta dahil sa pagkaka-link nito kay Sandro at sa kanyang pagiging sexy star.
