PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Brenda Mage regrets joining PBB

"Sana dumating sa oras na makalimutan ng mga haters ko yung mga nangyari that time."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jul 6, 2022
Brenda Mage
Brenda Mage: "Ang pangarap ko o wish ko lang talaga kay Lord is sana dumating sa oras na makalimutan ng mga haters ko yung mga nangyari that time. Nagbabago naman na ako or iniiwasan ko na kahit papaano."
PHOTO/S: Screengrab @KARENDAVILA YOUTUBE

Inamin ni Brenda Mage na pinagsisisihan niya ang pagsali sa reality show ng Kapamilya network na Pinoy Big Brother (PBB): Kumunity Season 10.

Naging kontrobersiyal si Brenda dahil sa naging hidwaan nila ng kapwa niya housemate na si Alexa Ilacad at ang "inappropriate joke" nito sa co-housemate ding si Eian Rances.

Read: Netizens dismayed with Brenda Mage for his inappropriate joke to PBB housemate Eian Rances

Read: Alexa Ilacad on finding out Brenda Mage’s harsh words against her: “Ang sakit talaga.”

Sa pinakabagong vlog sa YouTube ni Karen Davila, tinanong ng beteranong broadcaster si Brenda kung ano ang natutunan nito paglabas niya ng PBB.

Sagot ni Brenda, “Noong pumasok ako sa Bahay ni Kuya, naniniwala talaga ako na ang Pinoy Big Brother ay teleserye ng totoong buhay.

“Ang natutunan ko is, minsan kahit na sabihin mong nagpapakatotoo ka bilang ikaw, i-consider mo rin na hindi lahat maganda ang paningin ng iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kailangan mo rin i-adjust yung sarili at ugali mo dahil alam mo naman na hindi siya appropriate sa ibang tao."

Tanong ni Karen: “Nagsisi ka ba na sumali ka sa PBB?”

“Yes,” pag-amin ni Brenda.

Paliwanag niya, “Parang feeling ko, sa lahat ng na-achieve ko sa buhay ko ngayon, ang pinaka-achievement ko na akala ko imposibleng mangyari is maging housemate.

“Since 2010 nag-audition ako [sa PBB] four times na, pang-five yung last year. Tapos ngayon lang ako nakuha, tapos sa celebrity pa ako nalagay.

“Iyon yung nagpa-realize sa akin na hindi pala lahat ng pangarap na gusto mong maabot, pag nakuha mo na ay magiging masaya at fulfilled ka.

"Yun din yung nagpa-realize sa akin na huwag mo nang i-push kung hindi talaga para sa ‘yo.

“Nung ibinigay sa akin, nag-focus ako na, ‘Oh, my gosh, para sa akin talaga yung PBB. Thank you, Lord [na] ibinigay mo sa akin.’

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Yun pala, lesson yun na, ‘Meron ka na, e, [may] na-achieve ka na.'”

FROM FANS TO HATERS

Dahil sa mga napanood ng publiko sa loob ng Bahay Ni Kuya ay inulan ng batikos si Brenda.

Ayon kay Brenda, tanggap niya ang nakukuhang pambabatikos dahil sa kanyang naging pagkakamali. Pero apektado raw siya sa bantang tatanggalin ang kanyang social media accounts dahil ito ang main source of income niya sa kasalukuyan.

Saad niya, “Okay po ako. Kaya ko naman i-handle yung bashers.

"Pero yung depressed ko po na maraming nagsasabi na tanggalin daw nila yung account ko kasi ito po yung bread and butter ko, e.

“Tapos, alam ko naman na sa content ng vlog ko kabulastugan, kabastusan o kalokohan, may namba-bash na sa akin dati pa.”

Umabot na rin daw sa puntong hiniling ng mga basher na siya na lang ang madisgrasya at mamatay imbes na ibang sikat na vlogger.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayos lang daw sa kanyang pagsalitaan siya ng masama basta huwag lang tanggalin ang kanyang social media account.

“Tinanggap ko yun. Okay lang po sa akin yun. Kaya yung pamba-bash nila sa akin, okay lang po yun.

"Pero yung baka mawala yung ano ko, social media ko, yun lang po yung bread and butter ko, e," saad ni Brenda.

Sa huli, tinanong ni Karen si Brenda kung ano pa ang hiling at pangarap nito matapos ang sunud-sunod na biyaya sa kanya at kanyang pamilya.

Tugon niya, “Ang pangarap ko o wish ko lang talaga kay Lord is sana dumating sa oras na makalimutan ng mga haters ko yung mga nangyari that time.

“Nagbabago naman na ako or iniiwasan ko na kahit papaano. Or as much as possible, kung marites man ako dito sa ano, wala na akong aapakan o sisirain na tao.

“Kahit sarili ko na lang sirain ko.

"Kasi, gusto ko happy ako sa vlogs ko, kasi iyon yung happiness na binibigay ko sa ibang tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Paano ako makapagbibigay ng happiness kung sa sarili ko, hindi ko mahanap yung happiness, kasi may bitibit ako.

“Sana nakita nila na nagbabago ako or iniisip ko na talagang nagsisisi ako doon sa ginawa ko. Sana mapagbigyan na nila ako.

“Hindi ko alam kung kailan pero sana one day.”

BREADWINNER

Sa pagbisita ni Karen sa bahay ni Brenda—Bryan Roy Tagarao sa tunay na buhay—binalikan ng komedyante ang mga karanasan niya sa buhay bago siya maging artista.

Ayon kay Brenda, bata pa siya ay pangarap na niyang maging artista.

2012, nabigyan siya ng break nang sumali sa mga reality show at contest sa TV kung saan doon nagsimula ang pangalan niyang Brenda Mage.

2013, naging komedyante at pumasok sa indie film.

2014, nagpunta siya sa Japan para magtrabaho kung saan siya nag-trending online bilang komedyanteng si Breda Mage.

Nang umuwi siya sa Pilpinas ay instant celebrity na siya dahil kinukuha na siyang extra sa mga teleserye hanggang sa sumali siya sa “Miss Q&A” ng It’s Showtime noong 2018.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hanggang noong 2021 nga ay naging PBB housemate siya.

Hirap sa buhay ang pamilyang kinagisnan ni Brenda. Hinalintulad pa niya ang buhay nila noon na “isang kahig, isang tuka.”

Pagsisiwalat pa ni Brenda, biktima siya noon ng human trafficking.

Ayon kay Brenda, wala siyang alam na human trafficker ang pinasukan niyang agency.

Hinuli raw siya sa Immigration at kinulongang apat na oras. Ngunit dahil sa walang makuhang ebidensya ay pinalaya rin siya.

“Wala namang ibang tumulong sa akin kundi si Lord lang. Siguro naawa lang din sa hitsura ko that time,” pabirong sabi ni Brenda.

Tinanong ni Karen si Brenda kung paano nito tinutulungan ang kanyang pamilya na nasa probinsiya.

Ayon kay Brenda, dahil sa katas ng kanyang vlog at pagiging komedyante ay nakapagpatayo siya ng bahay sa probinsiya na may swimming pool pa sa bakuran.

“Kahit papa'no po siyempre meron kaming bahay. Ambisyosa ako, nagpatayo ako ng pool sa bahay namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“May pool kami sa bahay namin, kasi pangarap ko po talaga dati na may pool.

"Kasi hirap yung pamilya ko na maligo kasi may entrance ganito, ganyan. Kaya ako mismo ang nagpagawa ng pool nang mabili ko yung lote sa harap namin.”

Dagdag niya, “Yung ate ko naman, binigyan ko ng negosyo, yung kapatid ko naman may tindahan at bilyaran.

“Tapos yung mama ko, mayroon siyang piso Wifi. Masaya ako na yung mga pinsan ko nakapagpagawa rin ng bahay dahil sa pera ko.”

Nang purihin siya ni Karen sa pagiging responsable, sinabi ni Brenda na may mga taong tumulong sa kanya.

Saad niya, “Siguro dahil din sa mga pinagdaanan ko dati. Hindi ako magiging ganito kung walang taong tumulong sa akin.

“Isipin mo yung mga nangyari sa 'yo dati, kung paano ka tinulungan. Kaya binabalik ko lang din, hindi man mismo sa taong tumulong sa akin, pinapasa ko lang din sa mga taong nangangailangan ng tulong,” saad ni Brenda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag pa niya, “Kung gaano kami kahirap dati, nabaliktad noong naging Brenda Mage na ako.

“Kahit papaano, nakabili na ko ng mga properties, nabigyan ko na ng negosyo lahat ng mga kapatid ko, yung mama ko.

"Hindi na kami nagugutom at nakapagbibigay na rin ako sa mga pinsan at ibang relatives ko."

Ayon kay Brenda, siya ang umuupa sa magkadikit na bahay na makikita sa video. Dito rin daw niya pinapatuloy ang kanyang mga kaibigan na tinatawag niyang “Social Climber Squad.”

Saad niya, “Yung iba childhood friend ko, yung iba naman mga classmates ko. Tapos dito sa Maynila, ako lang yung nandito.

“Pangarap ko talaga yung mga kaibigan ko dalhin ko kayo dito para makatulong kayo sa pamilya ninyo kagaya ko. Kaya noong pandemic, sa akin muna sila tumira.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Brenda Mage: "Ang pangarap ko o wish ko lang talaga kay Lord is sana dumating sa oras na makalimutan ng mga haters ko yung mga nangyari that time. Nagbabago naman na ako or iniiwasan ko na kahit papaano."
PHOTO/S: Screengrab @KARENDAVILA YOUTUBE
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results