Si Alden Richards ang iniidolo at inspirasyon ng Sparkle stars na sina Anjay Anson at Jeff Moses.
Ang Sparkle ay ang talent management arm ng GMA-7.
READ: Johnny "Mr. M" Manahan explains how artists of Sparkada are chosen
Sa naganap na Zoom mediacon para sa SPARKADA noong June 23, 2022, sinabi nina Anjay at Jeff na ang mga na-achieve ni Alden sa career nito ang gustong masundan na yapak ng dalawa.
Bilib sina Anjay at Jeff sa pagiging masipag ni Alden, at kung paano ito nananatiling simple sa kabila ng kasikatan.
Ayon kay Anjay: "Si Alden po yung pinakanakikita ko na super simple niya lang po, and ang galing niya sa craft niya. Gusto ko po yung mga technique niya.
"Sana po makatrabaho ko siya, at least para ma-guide niya rin po ako, and malaman ko rin po kung paano yung ginagawa niya kasi I really love [the way he loves] his craft po talaga and super natutuwa po ako sa kanya.”
Hanga naman si Jeff Moses kay Alden dahil sa roles nito sa mga pinagbidahang teleserye sa Kapuso Network.
"Gusto ko po magkaroon ng same sa kanya ng parang superhero [Victor Magtanggol] na mga soap and gusto ko rin maging leading man in the future.
"Isa siya sa mga pinaka-idol ko sa GMA, and I'm looking forward din po na makatrabaho siya soon.
"And also, [pangarap ko na] mahalintulad yung sarili ko sa kanya. Kung hindi man, like magkaroon din man ako ng sarili kong path, yun po yung path na gusto kong tahakin in the future.”
ANJAY ANSON NA-DISCOVER SA TIKTOK
Si Anjay ay 19 years old. Nabigyan kaagad siya ng magandang role sa naging top-rating suspenserye ng GMA na Widows' Web. Nakipagsabayan siya sa pag-arte kina Carmina Villarroel, Ashley Ortega, Adrian Alandy, Vaness del Moral, Pauline Mendoza at Ryan Eigenmann.
Lumabas na rin si Anjay sa isang episode ng Regal Studio Presents at sa music video ng single ni Dennis Barbacena na "Last Thing I'd Do." Segment host din siya ng UH Funliner ng GMA morning show na Unang Hirit.
Sa TikTok na-discover si Anjay at nabago na nga raw ang takbo ng buhay niya dahil sa pag-audition niya sa Sparkle, o dating kilala bilang GMA Artist Center.
"I was discovered through TikTok. Nag-trend po siya nun, parang glow-up video ko po yun ng picture ko from before. Nag-audition din po ako sa GMA, and thankfully natanggap naman po ako.
"Sobrang blessed ako na napasama ako sa SPARKADA, kasi nakita ko talaga yung barkada talaga na feeling, nando'n lahat. Talagang lahat kami good vibes, nag-e-enjoy.
"Kung may problema ang isa, parang nagiging problema na ng lahat, ganyan. Kaya sobrang barkadang-barkada talaga, at sobrang thankful ako napasama ako sa SPARKADA," kuwento ni Anjay.
Nagpapasalamat si Anjay dahil sa sobrang supportive ng kanyang parents, lalo na raw ang kanyang Indian father na si Anand Mandhyani na may blessing sa kanyang pagpasok sa showbiz.
Kaya promise ni Anjay na gagawin niya ang lahat para masuklian ang sacrifices at suporta ng kanyang parents sa pamamagitan ng pagbubuti sa kanyang trabaho.
Sey pa niya: "Sobrang supportive ng parents ko sa akin. Sila pa yung, 'Go, sige! What time ba 'yan?'
"Actually, sila pa nga yung pumili ng suot ko. Sabi nila, 'O eto, mas bagay sa 'yo 'yan.' Super supportive sila na kasama ako sa ganito ngayon."
JEFF MOSES, AKA PINOY BAE ON SOCIAL MEDIA
Si Jeff Moses, na ang buong pangalan ay Jeff Moses Halaghay, ay 22 years old. Nakilala siya bilang "Pinoy Bae" sa kanyang mga uploaded videos sa Instagram, Facebook, Twitter, at Tiktok kunsaan marami siyang followers.
Kabilang si Jeff sa dance trio ng San Carlos City, Negros Occidental na San Carlos City Boys or SCC Boys. Nabuo ang kanyang dance group noong magkaroon ng COVID-19 pandemic noong 2020, at sumikat ang kanilang dance videos sa TikTok na umani ng libu-libong likes at views.
Bagama't may pinu-pursue na solo showbiz career si Jeff, buo pa rin daw ang grupo ng SCC Boys at puwede silang kunin para mag-perform bilang back-up or front act sa dance concerts.
May solo accounts naman si Jeff kunsaan karamihan ng kanyang post ay shirtless siya na kita ang sixpack abs niya at mga solo dance videos niya.
Bilang social media star, appreciated ni Jeff ang mga positive comments at welcome din sa kanya ang mga negative comments mula sa netizens.
"Mas marami naman po ang positive kesa sa negative po. Mostly, gusto nila ang mga dance videos ko on TikTok.
"Maganda raw po lahat at gusto nila yung dance moves ko. And na-appreciate nila 'yung physique ko. Pagandahin ko pa raw ang katawan ko at huwag kong pabayaan," saad pa ni Jeff.
Future leading men nga ng GMA sina Anjay at Jeff.
Si Anjay ay bagay sa mga drama at romantic-comedies dahil sa kanyang height at boy-next-door looks. Si Jeff naman ay puwedeng gumanap na bad boy sa mga teleserye dahil sa kanyang sexy, naughty, and playful personality.
