Watch Now

Did Zeinab Harake take a swipe at ex-partner Skusta Clee?

by Khryzztine Joy Baylon
Jul 13, 2022
Zeinab and Skusta
Is this tweet of Zeinab Harake for ex-partner Skusta Clee: "Ngayon may anak ka? mang-aaway ka ng mga tao? Bakit? kasi maglalabas ka na naman ng kanta? La na talaga pera? gusto mo na lang gulo para umingay? Tama kana wala ka ng magagamit pagod na lahat sayo!"
PHOTO/S: Zeinab Harake Instagram / Skusta Clee Instagram

Tila muling nagpatutsada si Zeinab Harake sa kanyang ex-partner na si Skusta Clee.

Si Zeinab ay kilalang YouTuber na may 12.8 million subscribers.

Si Skusta, 26, ay rapper-songwriter at miyembro ng grupong Ex Battalion.

Usap-usapan ngayon sa social media ang tweet ni Zeinab noong Martes, July 12, 2022.

Wala mang pangalang nabanggit sa tweet ay tila sigurado ang netizens na ang tinutukoy ni Zeinab ay walang iba kundi si Skusta.

Sunod-sunod na tanong at patama ang laman ng tweet ni Zeinab.

Tweet niya (published as is): "Ngayon may anak ka? mangaaway ka ng mga tao? bakit? kasi maglalabas ka na naman ng kanta?

"La na talaga pera? gusto mo na lang gulo para umingay?

"Tama kana wala ka ng magagamit pagod na lahat sayo!"

Zeinab

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa hiwalay na tweet, ni-retweet ni Zeinab ang post ng isang netizen ng larawan ni Zeinab kasama ang anak na si Bia.

Sa caption, tila may patama rin dito si Zeinab kay Skusta, na ama ng kanyang anak.

Sabi niya: "Itong anak ko di magiging mommy's girl to kung di ko siya napapasaya araw-araw, masaya na kaming dalawa lang at least totoo yung pagmamahal namin sa isa't isa."

Zeinab

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bago ang tweet na ito ni Zeinab, usap-usapan na rin ang pag-reply ni Skusta sa isang tweet ng kaibigan ni Zeinab na si Jahan Visperas.

Tweet ni Jahan (published as is): "Wag niyo na idamay yung tao sa kahit ano mang post, eh ano kung nag post ng yellow heart, di na namin problema kung baliw na yan. Kasiyahan at kapayapaan ng mag ina yung pinoprotektahan namin."

Zeinab

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Buwelta ni Skusta (published as is): "Dami mong kabaklaan nanaman ikaw ba tatay? Palibhasa wala kang tunay na anak kaya di mo nararamdaman yung nararamdaman ko. Laki laki mong tao ingay ingay mo."

Zeinab

Ngunit agad din itong binura ni Skusta makalipas ng ilang minuto.

Dahil dito, mas nagliwanag ang espekulasyon ng netizens na para nga sa rapper-songwriter ang tweet ni Zeinab.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong early May 2022, inamin ni Zeinab na naghiwalay sila ni Skusta nang matuklasan niyang may iba itong babae.

Buntis siya noon sa ikalawang anak sana nila ni Skusta na si Baby Moon, pero sa huli ay nakunan siya.

Sa ngayon ay burado na rin ang nasabing cryptic tweet ni Zeinab.

Related Stories:

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Is this tweet of Zeinab Harake for ex-partner Skusta Clee: "Ngayon may anak ka? mang-aaway ka ng mga tao? Bakit? kasi maglalabas ka na naman ng kanta? La na talaga pera? gusto mo na lang gulo para umingay? Tama kana wala ka ng magagamit pagod na lahat sayo!"
PHOTO/S: Zeinab Harake Instagram / Skusta Clee Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results