PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Larkin Castor says Bea Alonzo is "pinakamaganda sa GMA"

Guess who his idol is?
by Rommel Gonzales
Published Jul 14, 2022
Larkin Castor on Bea Alonzo
Sparkle artist Larkin Castor on Bea Alonzo: "Nung nakita ko siya, sobrang na-starstruck ako so ayun po."
PHOTO/S: PR; @bealonzo on Instagram

Madalas na napapanood ang Sparkle artist na si Larkin Castor sa All-out Sundays dahil mas nalilinya ang binatang may lahing Espanyol sa pagkanta.

Medyo kakaiba ang first name ni Larkin kaya tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung saan niya ito kinuha.

Tugon niya, “Nagpakuwento po ako kay daddy, sabi niya nag-search lang siya sa Google [ng] unique names, Larkin ang lumabas."

Ang key words na ginamit ng kanyang ama ay "unique name for babies."

LARKIN CASTOR'S DREAM LEADING LADY AND IDOL

Kung mabibigyan na siya ng acting project, sino ang gusto ni Larkin na unang makapareha na leading lady?

“Yung unang sagot ko po si Heart rin, e.”

Si Heart Evangelista rin ang choice ng kapwa Sparkada ni Vince na sina Sean Lucas at Raheel Bhyria na kasabay niya sa interview noong mediacon last June 29, 2022 para sa kanila bilang Sparkle artists.

Kaya ibang pangalan ang final answer ni Larkin, “Si Bea Alonzo po! Nung nakita ko siya, sobrang na-starstruck ako so ayun po."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag niya, “Sa tingin ko po sa ngayon, siya po yung pinakamaganda sa GMA.”

Idolo ni Larkin si Alden Richards hindi lang sa husay ng Pambansang Bae sa acting kundi sa attitude nito sa kanyang profession at mga katrabaho.

Sabi niya, “Yung dating po niya, kung paano niya dalhin yung sarili niya, tuwing meron siyang trabaho, binibigay niya lang, parang natural lang sa kanya yung ginagawa niya, parang gustung-gusto niya.

“Gusto ko rin po ma-reach yung ganung point sa career ko na nandun na ako, na ginagawa ko lang kung saan ako masaya.”

Si Bea ang nais ni Larkin na maging leading lady at idolo niya si Alden. Magkasama sina Bea at Alden sa Philippine adaptation ng GMA-7 ng sikat na K-Drama series na Start-Up.

Biro tuloy ng PEP.ph kay Larkin, dapat pala ay isinama siya sa cast ng Start-Up.

“Sakto nga po sana, sayang,” ang nanghihinayang pero nakangiting pahayag pa ni Larkin.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

ON ENTERING SHOWBIZ

Sa mga Sparkada artists, mas nakatuon ang pansin ni Larkin sa pagkanta kaysa pag-arte for the reason na kulang siya sa acting experience.

Pag-amin niya, “Sa ngayon po, hindi ko pa masabi kasi hindi ko pa po nae-experience yung acting talaga na show, yung ganun. So for now po, gusto ko muna siyang ma-discover.”

Matagal na raw may kumukumbinsi kay Larkin na mag-artista, pero late last year lamang siya napapayag na subukan ang showbiz.

Aniya, “Kasi sayang naman yung opportunity 'tapos wala rin naman akong ginagawa at that moment.

"So sabi ko, sige kukunin ko na yung chance kasi hindi ko naman alam kung saan ako dadalhin [ng chance] na yun. And right now, I’m happy where I am.”

Read Next
Read More Stories About
Larkin Castor
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sparkle artist Larkin Castor on Bea Alonzo: "Nung nakita ko siya, sobrang na-starstruck ako so ayun po."
PHOTO/S: PR; @bealonzo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results