PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rabiya Mateo thrilled to be hosting for the first time in GMA

Rabiya: "I can be myself, I can be funny, I can make fun of my mistakes."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jul 14, 2022
Rabiya Mateo
After joining Miss Universe 2020 as the representative of the Philippines, opportunities opened for Rabiya Mateo and became a TV personality. On her path to being a celebrity, her luck just keeps coming as she is to begin a new career in hosting.
PHOTO/S: RABIYAMATEO INSTAGRAM

Excited na si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo sa bago niyang journey bilang host sa Kapuso Network.

Sa virtual mediacon ng TikToClock noong July 12, 2022, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rabiya kung gaano siya ka-excited sa kanyang pinakaunang hosting stint sa GMA-7.

Ang TikToClock ay ang bagong game show ng GMA-7 na magsisimulang umere sa July 25, 2022, mula Lunes hanggang Biyernes ng 11:15 a.m., bago mag-Eat Bulaga.

Kasama niya rito sina Pokwang at Kuya Kim Atienza.

Ayon kay Rabiya, bago pa man siya sumabak sa showbiz ay gustung-gusto na niyang maging host dahil na-inspire siya sa isa niyang kaibigan.

Dagdag niya, "Gusto ko rin gawin yung hosting. Kasi as a person, I'm very madaldal po talaga."

Malaking bagay raw sa beauty queen na isa siya sa napiling maging host ng TikToClock dahil dito niya mailalabas ang tunay na siya.

"Dito ko nalalabas yung kulit ko and yung other side na hindi nila nakita dati.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Because as a beauty queen, theres a streotype na ganito ka lang. Pag iba na yung ginawa mo, hindi ka na beauty queen.

"Here in TikToClock, I can be myself, I can be funny, I can make fun of my mistakes.

"Ayun yung light na side nun, kasi nakikita nila si Rabiya na totoong tao."

Sa kabila ng mga pinagdaanan ni Rabiya sa kanyang personal na buhay nitong mga nakaraang buwan ay nananatili siyang matibay at matatag.

Para sa kanya, hindi porke't nadapa ka ay ibig sabihin na hindi ka na tatayo at hindi ka na lalaban ulit.

Read: Pokwang at Rabiya Mateo, handa na bang makipagrelasyon muli matapos ang heartbreak?

Feeling "grateful" siya dahil sa dinami-rami ng mga magagaling na artista sa industriya ay siya ang napiling bigyan ng pagkakataon sa TikToClock.

Labis din ang pasasalamat ni Rabiya sa co-hosts niyang sina Kuya Kim at Pokwang. Kahit off-cam ay ipinapakita raw ng mga ito ang pagmamahal at malasakit sa kanya kung kaya't para kay Rabiya ay nakahanap siya ng masasabi niyang pamilya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Saad niya, "Despite of everything, I'm very grateful I have Mamang [Pokwang] and Kuya Kim, na even off-cam they would guide me on the things that I have to do, things that I don't need to do.

"Parang nandoon yung guidance ng ate at kuya mo.

"And since I am alone here in Manila, I have nobody, parang I found a family sa kanila. Kaya I'm also happy to be part of this program."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After joining Miss Universe 2020 as the representative of the Philippines, opportunities opened for Rabiya Mateo and became a TV personality. On her path to being a celebrity, her luck just keeps coming as she is to begin a new career in hosting.
PHOTO/S: RABIYAMATEO INSTAGRAM
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results