Umaasa pa rin si Dennis Padilla na makararating sa anak na si Claudia Barretto ang kanyang pagbati para sa ika-23 kaarawan nito kahapon, July 26, 2022.
Naniguro pa nga ang aktor na hindi magmintis ang kanyang mensahe kaya naman dalawa pa ang birthday greetings na ibinahagi niya sa Instagram.
Si Claudia ang pangalawa sa tatlong anak ni Dennis sa dating asawa na si Marjorie Barretto, ang dalawa pa ay sina Julia at Leon Barretto.
Sa isang post ni Dennis, binati rin ng kanyang matalik na kaibigang si Janno Gibbs si Claudia sa comments section.
Mensahe ni Janno, “Happy Bday Nak [heart emoji]”
Tumugon si Dennis dito. Dalangin daw nitong makarating sa pangalawang anak kay Marjorie ang kanyang pagbati.
Sabi niya kay Janno, “sana makarating ang aking pagbati.... Love you pre”

Read: Dennis Padilla reaches out anew to daughter Claudia Barretto on her birthday
Hindi malinaw kung nagparamdam o tumugon na si Claudia sa ama matapos ang mga pagbati at mensahe nito sa kanya.
Ganunpaman, naging abala si Claudia sa kanyang selebrasyon base sa post niya ngayong araw, July 27.
Ibinahagi niya sa Instagram ang mga larawan ng mga kaibigang bumati sa kanya.
Mayroon ding larawan si Claudia kasama ng ilang kamag-anak na nagsalu-salo para sa kanyang kaarawan.
Caption niya, “My whole day yesterday in reverse [counterclockwise arrows button emoji]
“Was successfully surprised by those I love most… You know who you are. Feeling loved and blessed.”
View this post on Instagram
GREETING FROM HER MOM AND SIBLINGS
Idinaan din ni Marjorie sa Instagram ang pagbati sa anak na si Claudia.
Isang appreciation message ito para sa anak na hindi lang daw maganda kundi matalino, masipag, mapursige, at tumatayo sa sariling paa.
View this post on Instagram
Para naman sa panganay sa magkakapatid na si Julia Barretto, itinuturing niyang matalik na kaibigan at soulmate ang kapatid na si Claudia.
Aniya, “Happy birthday @claudia… I cannot do life without you. You are my best friend and soul mate. You are the best listener and have guided me throughout things only you and I will ever understand. Celebrating you today Clau [cake emoji]”
View this post on Instagram
Masuwerte naman daw si Claudia na nagkaroon siya ng kapatid na katulad ni Julia.
Mensahe ng aktres, “So lucky to have you as my older sister Jul… You’re the most generous and loving person I know!!! I love you [three hearts emojis]”

Ang bunso naman nilang si Leon ay may madamdaming mensahe para sa kapatid.
Naging gabay raw ni Leon si Claudia sa kanyang paglaki.
Saad niya, “Happiest birthday Clau! Wanted to say thank you so much for guiding me through the past few years and helping me become the person I am today.
“I wouldn’t survive this life without your advice, guidance, support, and words of encouragement. You are such an inspiration to so many.
“Please know that I will forever be your biggest fan and protector. To more nights of catching up in the kitchen”
View this post on Instagram
Birong sagot ni Claudia, “I love you Leon! Catching up in the kitchen AND you opening the door for me at night? [laughing, heart emojis]”

Nangako naman ang bunso na gagawin niya pa rin ang nakagawian nilang pagbubukas ng pinto kapag late nang nakakauwi ang kapatid.
