Tila hindi maitatangging boto si Zoren Legaspi sa hinihinalang pagkakamabutihan ng anak niyang si Cassy Legaspi at Kapamilya singer-actor na si Darren Espanto.
Read: Cassy Legaspi, Darren Espanto go on a movie date with chaperone
Sa kalagitnaan ng work week ay dumalaw kasi si Darren kay Cassy sa bahay ng mga Legaspi.
Lihim na kinunan ng video ni Zoren sina Cassy at Darren na kumakain ng dinner sa dining area.
Bahagyang nakatalikod sina Cassy at Darren sa kinapupuwestuhan ni Zoren sa di kalayuan kaya di kita ng mga ito ang paparazzi moment na nagaganap.
Base sa video, maya-maya ay tumayo si Cassy at saka lamang napansin ang ama na kumukuha ng video.
Caption ni Zoren sa video niya, "@cassy sino itong D WHO….last night shhhhhhh."
Ibinahagi ito ni Zoren sa Instagram ngayong Huwebes ng umaga, July 28, 2022.

SURPRISE VISIT
Hindi rin naman itinago nina Cassy at Darren ang pagkikita nila.
Sa Instagram Stories nila kagabi, July 27, 2022, nag-post na ng litrato ang dalawa ng magkasama.
Ayon kay Cassy, sorpresa siyang binisita ni Darren sa bahay ng kanyang pamilya.


Matagal nang natutukso sina Darren at Cassy sa isa't isa. Pati mga magulang nila ay madalas ding nang-aasar sa pagiging malapit ng dalawang young stars.
Consistent naman sa pagsasabi sina Darren at Cassy na espesyal ang turing nila sa isa't isa.
Kinilig ang fans nina Cassy at Darren (CassRen) dahil patuloy ang hinihinalang magandang unawaan ng dalawa.
