Watch Now

AJ Raval distances herself, defends family from sister Vanessa Raval's issue

by Khryzztine Joy Baylon
Aug 1, 2022
AJ and Vanessa Raval
AJ Raval (left) on sister Vanessa Raval's (right) controversy: "Please stop dragging my name in this issue that I have nothing to do with. Especially my father na umaako ng pressure dahil sa name na dala ni Vanessa. We may share the 'Raval' name, pero hindi ko sya nakasamang lumaki, hindi rin kami close."
PHOTO/S: AJ RAVAL/ VANESSA RAVAL FACEBOOK

Nagsalita ang sexy star na si AJ Raval hinggil sa isyung kinasasangkutan ng kanyang kapatid na si Vanessa Raval, isang social media influencer.

Sina AJ at Vanessa ay anak ng action star na si Jeric Raval.

Noong July 27, 2022, nagsimulang pag-usapan sa social media ang sunud-sunod na posts ni Vanessa kasama na ang screenshots ng usapan nila ng aniya'y "sikat na panget na lalaking rapper," na ayaw umano siyang tigilan at panay ang pagtsa-chat at panlalandi sa kanya.

Dahil dito, nadawit ang pangalan ng singer-rapper na si Skusta Clee, na siyang hinihinala ng netizens na tinutukoy ni Vanessa.

Nakarating ito kay Skusta, at agad nitong pinabulaanan ang isyu. Hinamon din niya si Vanessa na i-name drop kung sino ang kanyang tinutukoy para malinis ang kanyang pangalan.

Read: Skusta Clee dares Vanessa Raval to name "sikat na panget na lalaking rapper" in her cryptic posts

Kamakailan lamang, sa pamamagitan ng Tiktok video, ay pinangalanan na sa wakas ni Vanessa ang rapper na tinutukoy niyang "lumalandi" sa kanya. Ito ay si Haring Manggi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nitong Linggo, July 31, 2022, mariing kinondena ni AJ ang kontrobersiyang kinasasangkutan ng kapatid at ang pagkakadawit niya at ng kanyang pamilya.

Pakiusap niya, huwag siyang idamay at ang kanyang pamilya sa naturang isyu dahil wala silang kinalaman dito.

Pahayag ni AJ sa kanyang Facebook post: "I am speaking on behalf of my family whose name is being dragged regarding the circulating issue involving Vanessa.

"Please stop dragging my name in this issue that I have nothing to do with. Especially my father na umaako ng pressure dahil sa name na dala ni Vanessa."

Paglilinaw pa ng Viva star, bagamat magkapatid at magkapareho sila ng apelyido ni Vanessa ay hindi sila close.

"We may share the 'Raval' name, pero hindi ko sya nakasamang lumaki, hindi rin kami close.

"We are very civil pag nagkikita at times, but there is nothing special about it, dahil mas close ako sa mga kapatid ko sa nakalakihan kong mother (Holiday), yung mga brother and sister ko sa kanya ang nakasama ko lumaki and not with Vanessa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon pa kay AJ, wala silang kailangang ipaliwanag upang pagtakpan o dumepensa sa isyu dahil labas ang kanyang pamilya dito.

"We are utterly affected about the circulating issue kahit wala kaming kinalaman. Again, we have nothing to do with it. Labas kaming lahat sa issues ni Vanessa.

"Ganoon din sa akin, Labas din po lahat ng family members sa bawat issue na dumadating sa akin."

Sa huli ay humingi siya ng paumanhin sa lahat ng nadamay sa isyu ng kanyang kapatid.

"Ako na po himihingi ng Pasensya sa lahat ng naapektuhan at na damage lalo na sa Hiphop Industry."

AJ and Vanessa Raval

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
AJ Raval (left) on sister Vanessa Raval's (right) controversy: "Please stop dragging my name in this issue that I have nothing to do with. Especially my father na umaako ng pressure dahil sa name na dala ni Vanessa. We may share the 'Raval' name, pero hindi ko sya nakasamang lumaki, hindi rin kami close."
PHOTO/S: AJ RAVAL/ VANESSA RAVAL FACEBOOK
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results