PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Yce Navarro recounts missed opportunity in showbiz

He was supposed to be part of Tabing Ilog's remake.
by Julie E. Bonifacio
Published Aug 25, 2022
Yce Navarro with parents Bianca Lapus and Vhong Navarro
Yce Navarro is ready to give his all to achieve his "pangarap," which is to become an actor. This time, he has the full support of his parents, Bianca Lapus (L, photo on the R) and Vhong Navarro (R, photo on the R)
PHOTO/S: @vhongx44 on Instagram

Kabilang sa Yce Navarro sa sinasabing "blended" family.

Bagamat hiwalay ang kanyang mga magulang—Bianca Lapus at Vhong Navarro—nanatili silang magkaibigan sampu na rin ng kani-kanilang partner sa buhay—si Jimmy Lawrence Velasquez, na ama ng tatlong anak ni Bianca; si Tanya Bautista na misis ni Vhong.

Pero kakaiba pa rin daw ang feeling para sa anak na makitang magkasama ang kanyang ina at ama noong nag-graduate sa kolehiyo si Yce.

"Ang sarap po sa feeling. Siyempre, matagal na po silang hiwalay. Na-meet ko na po yung mga bago nilang mga asawa po.

"Kaya para makita ko po sila together ulit para po sa milestone ng buhay ko na ito, parang sobrang thankful ko. Kasi they remained friends ‘tsaka close pa rin, for me po.

"'Tsaka thankful din po ako kasi sila po yung nandun para sa akin, in times of my need.

"Kasi close po kami, e. Kaya sila yung nilalapitan ko talaga when it comes to my problem po," lahad ni Yce.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero aminado si Yce mas madalas na ang ina ang takbuhan niya.

"Mama’s boy po ako, e. Pero nung tumira naman po ako kay daddy, parang pareho na.

"Nung 2011 po, tumira ako sa Daddy ko," pag-amin ni Yce.

Kumusta bilang ama si Vhong? Masayahin din ba siya behind the camera?

"Ganoon din po. Komedyante pa rin po siya," sagot ni Yce.

READ: Bianca Lapus details heart-to-heart talk with ex-husband Vhong Navarro

Dugtong ng binata, "Pero seryoso naman po siya bilang dad. Kapag kailangang pag-usapan, kunyari sa school, doon po seryoso siya.

"Pero pag kakausapin mo lang siya pag normal day, kakain lang kayo, ganoon pa rin po siya. Komedyante po talaga siya."

READY TO GO FULL TIME IN SHOWBIZ

Pangarap ni Yce na sumabak din sa mundo ng showbiz, at ngayong nakatapos na siya ng pag-aaral, puwede na siyang mag-focus rito.

Suportado siya ng kanyang mga magulang.

"Sobrang thankful din po ako dahil nag-usap sila na i-pursue ko raw yung mga pangarap ko which is acting nga po. Iyan po talaga ang gusto ko.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Nag-Star Magic workshop po ako nung two years ago. 'Tapos doon ko po talaga parang na-feel na ito to talaga ang pangarap ko.

"Pero kailangan ko po muna mag-graduate sa college. Yun po kasi yung pangarap sa akin ni Daddy."

Patuloy ni Yce: "Kasi, sinasabi po niya parati sa akin, siya po hindi nakapagtapos kasi breadwinner po siya, e.

"Lumaki po siya sa hirap. Yung pagkuha po ng degree na pinangarap po sa kanya ng magulang niya, pinasa lang po niya sa amin."

Inamin ni Yce na nagtampo siya nang hindi siya payagang sumabak sa pag-aartista noong nag-aaral pa siya.

"For years din po ako naghintay, kasi na-experience ko mag-try sa mga go-see sa Star Magic, ganoon. Medyo nalungkot din po ako na hindi po ako pinapayagan.

"Kasi before po binibigyan na ako ng projects na puwedeng... yung remake po ng Tabing-Ilog ganoon po. Kaso ayaw po talaga ni Daddy. Kaya medyo nalungkot po talaga ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Medyo sumama po ang loob ko that time. Kasi nandoon na po yung opportunity, e. Pero lagi po niyang sinasabi sa akin dadating naman daw yung opportunity. Kaya kailangan ko lang daw po talagang tapusin itong pagka-college.

"Okey naman po. Sana na lang po may dumating na opportunity po ulit."

Sabay hirit ni Yce, "Kaya ngayon tapos na po ako, ita-try ko po. May blessing na ni Daddy. Pero siguro po try ko muna magpapayat po. Hahaha!"

Maaga pa lang ay may payo na sa kanya si Vhong sa pagpasok niya sa showbiz.

"Yung dad ko po, parang may certain ano po na dapat, parang gusto niya katulad ni Johnny Depp. Parang ganoon na versatile actor. Yun ang gusto niya para sa akin. Yun po ang advice niya sa akin na dapat po ganoon ako."

Napri-pressure ba siya?

"Hindi naman po. Kakayanin naman po," napangiting saad ni Yce.

Ang ina ni Yce na si Bianca ang tumatayong manager niya ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Yce sa launch ng Top Shelf, ang lifestyle magazine na pag-aari ni Bianca at business partners niya sa Velvet Media Inc.

Yce Navarro

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Yce Navarro is ready to give his all to achieve his "pangarap," which is to become an actor. This time, he has the full support of his parents, Bianca Lapus (L, photo on the R) and Vhong Navarro (R, photo on the R)
PHOTO/S: @vhongx44 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results