Nanggaling si Ronnie Liang sa Abra, kung saan nagbigay siya ng tulong sa mga biktima ng lindol.
Ang siyudad ng Tagum ang naging epicenter ng earthquake na may magnitude na 7.0.noong July 27, 2022.
Noong August 7 ay nagpunta roon ang singer and pilot para magbigay ng groceries, pagkain, at tubig.
Bukod sa paghatid ng relief goods, hinarana rin ni Ronnie ang mga residente na naghintay at pumila para makatanggap ng tulong mula sa singer. Masayang-masaya sila sa awiting inihandog ni Ronnie.

Pagbabahagi ni Ronnie, “Very appreciative sila. Hindi mahalaga sa kanila kung gaano karami yung ibinigay mo. It is how you made them feel.”
Kinanta niya ang kanyang hit song niyang “Ngiti,” na recently ay kinanta ng Korean star na si BamBam ng GOT7 sa isang concert sa SM Mall Of Asia.
Dagdag pa ni Ronnie tungkol sa kanyang recent trip to Abra, “Masarap sa pakiramdam na nakakatulong. Happy and warm yung pagtanggap nila sa akin.
"In my own little way, napangiti ko sila at kahit papaano ay naging daan para mabawasan ang bigat na dinadala nila.”
Saad naman ni Ronnie sa kanyang Facebook post (published as is), “We visited Abra province to show our fellow Filipinos who are earthquake victims that they are not alone and we are here for them in this challenging time.”
Dagdag ng Sing Galing judge, “To all the victims, we hope and pray for you to remain strong and overcome the challenges as you rebuild your homes. Disasters may take our houses, lives, and material possessions, but they cannot take away our faith, love, and care for one another. God bless.”
Isa si Ronnie sa celebrities na parating nagpapaabot ng tulong sa ating mga kababayan sa kahit anumang sakuna.
Mapapanood si Ronnie sa Sing Galing bilang isa sa Jukebosses kasama nina Rey Valera at Jona Viray tuwing Lunes, Martes, at Huwebes, 6:30 p.m. sa TV5.
