PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

State funeral for former President Fidel V. Ramos

Goodbye, FVR.
by Jojo Gabinete
Published Aug 9, 2022
fidel ramos funeral
Former president Fidel V. Ramos was given a state funeral on August 9, 2022, Tuesday. Ramos died at the age of 94 on July 31.
PHOTO/S: Screen grab from PTV4

Ganap na 11:43 ng umaga nang takpan ng lapida ang libingan ni former Philippine President Fidel V. Ramos sa Libingan ng mga Bayani, sa Taguig City, ngayong Martes, August 9, 2022.

fidel ramos funeral

Live na napanood sa PTV4, ang government-owned network, ang paghahatid sa kanyang huling hantungan ng dating Pangulo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Ramos ang ikalabindalawang Pangulo ng Pilipinas. Binawian siya ng buhay, sa edad na 94, sa Makati Medical Center, Makati City, noong July 31.

Read: Former President Fidel V. Ramos dead at 94

Limang araw na ibinurol ang cremated remains ni Ramos sa Heritage Memorial Park sa Taguig City.

fidel ramos funeral

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa araw ng kanyang libing, inilagay sa kabaong ang urn na kinalalagyan ng mga labi niya para sa state funeral.

fidel ramos

Full military honors ang ipinagkaloob kay Ramos dahil sa kanyang paglilingkod bilang sundalo at Pangulo ng Pilipinas mula June 30, 1992 hanggang June 30, 1998.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

fidel ramos funeral

Ganap na 11:10 a.m. nang kunin sa kabaong ang urn na naglalaman ng cremated remains ni Ramos, at ibinigay sa kanyang apo na babae para sa full military honors sa dating Pangulo.

fidel ramos funeral

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dumalo sa libing ni Ramos si President Ferdinand Marcos Jr. na sumaludo habang nagaganap ang 21-gun salute.

Si Marcos ang nag-abot ng watawat ng Pilipinas sa nabiyuda ni Ramos na si former First Lady Amelita Ramos pagkatapos tugtugin ng military band ang "Maalaala Mo Kaya," isa sa dalawang paborito na kanta ng yumaong Pangulo.

fidel ramos funeral

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinasalamatan ng 95-year-old widow ni Ramos ang lahat ng mga nakiramay sa pamilya nila sa pamamagitan ng isang maiksing pananalita.

“Maraming salamat sa tulong ninyo. Alam ninyo, mahirap ang buhay sa military pero kinaya namin.

“Tumulong si President Ramos. Kayang-kaya niya at he was able to raise five daughters, eight grandsons, and five granddaughters.

“Mahirap mag-adjust. Dalawang taon nasa bahay siya. Dalawang taon nasa probinsiya tapos nag-volunteer pa siya dalawang taon sa Vietnam.

"Kaya maraming salamat sa tulong niyo at sabi niya, 'Kaya natin ito.'

“Maraming salamat. Kaya ba natin? Maraming salamat sa inyong lahat,” mensahe ng pasasalamat ng dating Unang Ginang sa publiko.

Read: Censors, Hollywood-style Rizal, and Bad Boy: Wild world of showbiz during FVR’s time

Sina Elpidio Quirino, Carlos Garcia, Diosdado Macapagal, Ferdinand Marcos Sr., at Fidel Ramos ang mga dating Pangulo ng Pilipinas na nakalibing sa Libingan ng mga Bayani.

Ito ang unang state funeral na isinagawa para sa isang dating Presidente sa loob ng dalawang dekada. Ang huling naging Pangulo na binigyan ng state funeral ay si Macapagal noong 1997.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang pamilya ng mga dating Pangulo at mag-inang sina Corazon "Cory" Aquino at Benigno "Noynoy" Aquino III ay tumanggi sa alok ng Malacañang na bigyan sila ng state funeral. Nakalibing ang mga labi nila sa Manila Memorial Park sa Parañaque City, katabi ng puntod ni dating Senator Benigno "Ninoy" Aquino Jr.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former president Fidel V. Ramos was given a state funeral on August 9, 2022, Tuesday. Ramos died at the age of 94 on July 31.
PHOTO/S: Screen grab from PTV4
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results