Kalmado si Kim Atienza sa ngaing sagot niya sa panawagan ng isang netizen.
Nitong August 12, 2022 ay nag-tweet ang Twitter user na si @lemonjohr ng: “Resign Kuya Kim. I dont want to see you on TV anymore.”
Ito ay reply sa tweet ni @AltABSCBN noong August 11 na, “Just answer the question, @kuyakim_atienza. Or just refute the allegation.”
May kalakip ang tweet ni @AltABSCBNna dalawang screenshots.

Ang unang screenshot ay tweet ng isang Ryan Baldomino Acobera na nagtanong ng: "Kakampink ba si Kuya Kim?"
Na sinagot ng isang Iya Gorospe ng: "No po. Apologist siya."
Ang @AltABSCBN ay hindi ABS-CBN account, at wala itong kaugnayan sa Kapamilya network.
Sa ikalawang screenshot ay nag-reply si Kuya Kim ng: "Iya Gorospe, huwag ninyong pasukan ng pulitika ang class ko. Pag itinuloy ninyo iyan, magre-resign ako. OK? Malinaw iyan."
Sa mga hindi aware at nagtataka sa reply ni Kuya Kim, kamakailan ay nag-trending ang International State College of the Philippines o ISCP dahil sa viral satire posts nito.
Nagsimula iyon sa memes tungkol sa program offerings nito hanggang sa unti-unting pagdagdag ng mga kilalang personalidad bilang mga propesor o empleyado nito.
Sumali rin ang mga netizen sa pag-post ng mga profile ng mga propesor, programa, at maging ng school website.
Naglabas ng statement si Kuya Kim noong August 5 na isang scam ang post ng ISCP na siya umano ang “dean” ng unibersidad.

Pagkatapos ng ilang araw ay sinabayan din ni Kuya Kim ang trend ng ISCP sa social media, kabilang na nga ang pagiging dean nito sa paaralan, at pagbibigay ng mga reaction paper para sa mga estudyante ng ISCP.
Hence, ganun ang reply niya kay Iya Gorospe.
Pero pagdating sa kanyang trabaho ay seryoso ang mga replies at tweets ni Kuya Kim.
Ang kanyang calm and cool reply kay @lemonjohr, “May remote control naman. I don't have to resign, just change channels. Be safe.”
Matatandaang mas napadalas ang pagiging newsmaker ni Kuya Kim mula nang lumipat siya mula ABS-CBN patungong GMA-7.
At bagamat madalas siyang sumagot sa mga netizens, chill lang naman siya, lalo na kung may misconception o misinformation sa comments ng netizens.
Aniya sa isa niyang post nitong August 14, “Twitter can be a beautiful place for everyone regardless of political affiliation or network preference.
“Love and respect to everyone.”
