Kamakailan lang ay ikinasal na sa Serbia ang ex-girlfriend ni Robin Nievera na si Zia Quizon.
May panghihinayang ba sa Concert Queen na si Pops Fernandez na hindi nakatuluyan ni Robin si Zia?
"I love Zia. She's such a sweet, nice girl. Napakabait na bata," papuri ni Pops.
"Uh, hindi naman. Kumbaga, sila naman yung may relationship.
"Siyempre, as a parent, as a mom, we have to respect their decision. I know that they're still good friends. They still communicate. So yun naman yung magandang nangayari, di ba?"
Unang napabalita ang pagdi-date nina Zia at Robin noong 2017.
Ang huling update sa relationship status ng dalawa ay noong November 30, 2021, kung saan binati ni Zia si Robin sa Instagram ng "happy birthday," kalakip ang larawan nilang dalawa na may text na: "Break na tayo pero friends forever."
dalawa ay March 2022, kung saan binanggit ang kanilang breakup pero hindi tinukoy ang eksaktong petsa o buwan at taon.
POPS ON ZIA: "WE'RE VERY OKAY."
Samantala, maraming bumati sa pagpapakasal ni Zia, including Pops, nung ipinost ng anak ni Comedy King na si Dolphy at Zsa Zsa Padilla ang tungkol sa wedding niya noong July 28.
Napansin lang namin na nag-reply si Zia sa halos lahat ng nag-comment sa kanyang post, pero tila hindi yata siya nag-react sa comment ni Pops.
Sa katunayan, sinuklian ni Zia ng emoji reaction ang comment ni Martin Nievera, na daddy ni Robin.

Kaya napatanong na lang kami kay Pops kung may nagaganap ba na something between her and Zia?
"No naman siguro," diin ni Pops.
"I will not take that in a bad way. Baka na-miss-out lang niya yun. But as far as I know, we're very okay."
May katagalan na rin mula nung huli silang nagkausap ni Zia.
"Matagal na siyempre. Huwag ninyo nang intrigahin...haha!
"Siyempre, baka naman sa sobrang dami rin ng nag-message, hindi na niya nabasa lahat. So, you know, at the end of the day, things happen for a reason and sometimes they happen for a better reason.
"So, baka naman.....no. Not baka. That is, kumbaga, yun yung life niya doon."
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Pops pagkatapos ng Q&A portion sa mediacon ng Four Kings and A Queen, kung saan makakasama niya mag-perform ang veteran OPM singers na sina Rey Valera, Nonoy Zuñiga, Marco Sison at Hajji Alejandro.
Ang Four Kings and A Queen concert ay gaganapin sa Newport Performing Arts Theater sa Agosto 26 and 27.
With Robin's new girlfriend, humihingi ba sa kanya ng payo tungkol sa pakikipag-relasyon ang eldest son nila ni Martin?
"Hindi," sambit ni Pops. "Although pinapangaralan ko siya. Hahaha!"
"Ano na ngayon, di ba? Ako kasi, my mom is so strict with me, and I have two boys. I want them to be able to decide for themselves.
"Every so often, nagbibigay ako ng advice, pangaral. Minsan sinusunod. Siyempre, minsan they have their own plans. They have their own ideas. So, I have to respect that also."
POPS PROUD OF SONS
Ayon kay Pops, may kanya-kanya na ring trabaho sa U.S. ang kanyang mga anak.
"Robin is still in the States. Si Ram din nasa Amerika. They're both staying there. They decided to stay there first.
"Si Kuya [Robin] performs, records, sings also. He has shows. Si Ram naman is still doing his animation stuff. He works for a fastfood place."
Ayon kay Martin, supposed to be ay uuwi ng Pilipinas si Ram para mag-guest and perform sa benefit concert niya sa Theater at Solaire last month.
Anong nangyari at bakit hindi nakauwi ng Pilipinas at nakapag-perform si Ram sa benefit concert ni Martin?
Paglinaw ni Pops, "Kasi he really wanted to stay there first. Of course, malalaki na yung mga anak namin, di ba? They have their own, kumbaga, sa mind and yun ang gusto nila. And they wanted to try it out.
"And I think they're doing very, very well. They're working very hard. I'm very proud of them. Hindi naging madali maging independent doon, di ba? I mean, it needs a lot of hard work. They don't mind doing the hard work and I really loved that about them."
POPS NOT PRESSURING SONS TO SETTLE DOWN
Kinumpirma naman ni Pops na may girlfriend na rin si Robin sa U.S. at medyo matagal na rin daw ang kanilang relasyon.
Excited na kaya si Pops na tawaging "Lola Pipay?"
"Ayoko silang i-pressure, honestly," sabay tawa ni Pops.
"Ayoko talagang i-pressure ang mga anak ko. I always tell them, 'Naku, napakadali namang magkaanak, di ba? But are you ready for it? Emotionally, physically, financially? Iba kasi yun, e.'
"Once na nandoon ka na, hindi ka na makakatalikod. Hindi yun puwedeng isoli, 'no? Dapat sobra silang prepared. Yun lang naman. But, of course, if it happens, for sure I would be so, 'ay, naku! Hindi na nila makikita yung anak nila.'"
Payag ba siya na tawaging "Lola Pipay" ng kanyang mga apo?
Hirit niya, "'Tsaka na natin pag-isipan iyan. Huwag nating i-pressure ang mga anak ko.
"Hmmm......okay lang iyan. If it happens, it'll happen. Like I said, I want them to be very ready. But then again, no one is too ready.
"Gusto ko yung sila mismo ang magsabi na, 'Okey na, okey na. Kayang-kaya ko na.'"
