Isa sa gumanap sa iconic Pinay superhero na si Darna ang beteranang aktres na si Rio Locsin.
Gumanap siya bilang Darna sa 1979 film na Bira! Darna! Bira!.
Ayon kay Rio, ang Darna ang isa sa pinakamaganda at hindi niya malilimutang karakter na nagampanan niya.
Read: Former Darna Rio Locsin comments on who should be the next Darna
Sa presscon ng primetime series na Mars Ravelo's Darna noong August 8, binalikan ni Rio kung paano napunta sa kanya ang Darna role noong 1979.
Lahad niya, "Nung panahon kasi nung Darna ko, forty-three [43] years, kinuwenta ko pa yun kanina...
"Saka gusto ko lang i-acknowledge nandun ako sa publication ni Tito Mars Ravelo nung in-offer sa akin yung role.
"Nandun siya, buhay pa siya. Ang pamilya niya, nakilala ko pa silang lahat.
"Napakalaki talagang pribelehiyo na nakasama ko siya kahit yung asawa niya, si Tita Leniza.
"Sa akin, 'Parang panaginip ba ito?' Nung bata ka at in-offer-an ka ng Darna... Ang image ko nun kasi, parang isa lang siya sa baguhan, medyo nagpapa-sexy, tapos binigyan ako ng ganun karangalan bilang isang Darna.
"Sobrang napakalaking tuwa sa puso ko na nagawa ko yun."
Pagbabalik-tanaw rin ni Rio, low-tech pa ang teknolohiya noon kung kaya't may ibang paraan na ginagawa para magmukha siyang lumilipad, na isa sa superpower ng iconic Pinay superhero.
"Yung Darna ko kasi nung araw, hindi yung Valentina, hindi may mga superpowers. Sa akin kasi mga sindikato, mga head ng mga kumukuha ng mga babae, mga smuggling, mga ganun yung mga kalaban.
"Action, may mga stunts, mga action scenes. Kaya lang, lumang teknolohiya pa nun, hindi pa advanced.
"Yung paglipad ko, nasa ibabaw ng table, electric fan lang, nakaganun lang ako. Ganun lang ka-low-tech.
"Nakakatuwa na, ngayon, ibang-iba na ang technology, ibang-iba na ang pagkakagawa ng Darna.
"Kasi siyempre, ang layo naman ng diperensiya, nakaka-excite na panoorin.
"Itong bagong Darna, marami kayong makikita na siyempre sa pagdaan ng panahon, iba na yung panahon ngayon, iba na yung generation ngayon ng Darna."
Pagpapatuloy niya, "Maraming salamat din na nung panahon na nag-Darna ako, yung character nung lola, si Tita Woody Diaz; ang Ding, Romnick Sarmenta.
"E, ngayon, wala na si Tita Woddy, ako na ngayon yung lola. Si Romnick, malaki na rin siya. Ngayon nandito pa rin naman kami sa industriya, nagtatrabaho pa rin."
THE NEW DARNA
Nagbigay rin ng payo ang beteranang aktres kay Jane de Leon, ngayong ito na ang gumaganap bilang bagong Darna.
Read: ABS-CBN's Darna: Ten years in the making
Mensahe ni Rio, "Natutuwa ako para kay Jane, lagi kong sinasabi ito kay Jane, napakalaking karangalan, napakalaking pribilehiyo, mahirap, pero di lahat tinatawag na Darna. Di lahat nabibigyan ng pagkakataon.
"Nandito naman kami, hindi ka naman namin pababayaan. Lahat ng suporta ibibigay namin sa iyo.
"Sabi ko sa kanya, 'Talagang i-imbibe mo, dalhin mo sa puso mo, kasi hindi mo alam kung hanggang mawawala ang bato sa iyo.
"'Panindigan mo, buhayin mo sa sarili mo kasi sayang, sayang yung pagkakataon na binigay sa kanya."
Nang tanungin kung anong superpowers ang gusto niyang magkaroon, pareho sila ng napiling kapangyarihan ni Jane.
Ayon kay Rio, "Tama yung dialogue ni Jane, yung kakayahan mong tumulong.
"Kung may power ka na tumulong, may kakayanan kang tumulong kahit di mo kaya dahil gusto mong tumulong ka. Gusto ko sana yun ang mayroon ako.
"Saka nung bata pa ako, Wonder Woman naman ang inaabot ko. Si Lynda Carter ang inabot ko, sobrang sexy.
"Bata pa lang ako nung pinapanood ko siya, 'Ang ganda naman nitong babae na ito!' Pero dahil naging Darna naman ako, hindi ko na siya masyadong naaalala."
