Hindi pa man tuluyang nakaka-recover si Sharon Cuneta sa pagpanaw ng kanyang malalapit na kaibigang sina Fanny Serrano at Cherie Gil, tila panibagong dagok na naman ang kanyang kinahaharap.
Sa magkakasunod na Instagram posts nitong Miyerkules, August 17, 2022, nakiusap si Sharon sa kanyang followers na isama sa kanilang panalangin ang kanyang kaibigan at pamangkin.
Kalakip ang screenshot ng isang healing prayer, unang ipinost ni Megastar ang panalangin para sa paggaling ng kanyang kaibigan na na-"silent stroke."
Saad ni Sharon (published as is), "Family and friends…after Tita Fanny passed away, I was very, very afraid for Cherie and this one other friend who is also sick and who also means the world to me.
"I just found out that she is in the ICU now because of a ‘silent stroke.’ Please, please pray with me for her healing."
Ayon pa sa Megastar, hindi na niya kaya pang mamaalam sa taong malapit at espesyal sa kanya.
"Lord kahit a few more years na lang po idagdag n’yo please sa buhay niya… Hindi ko na kaya. I am still in pieces over losing Cherie…Hindi ko na kaya.
"Please pray. My faith is wavering and I don’t want it to be…But this is just too much too soon…Wala nang pahinga ang puso ko sa sakit."
Dagdag pa niya, "Please, please pray for me…More than that, please pray for my friend. Thank you so much and please take care of yourselves."
Kasunod nito, humingi rin ng panalangin si Sharon para sa kanyang pamangkin na si “Bam” na may cancer.
Aniya, "For my niece, ‘Bam,’ I ask for all your prayers too… She is only 25… and I do not understand why she has cancer.
"She is a loving, happy, good girl whom we all love so much…Please, please be our prayer warriors and help us pray for her healing too… Maraming salamat po.”
