PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vilma Santos on Jessy Mendiola pregnancy

Vilma jokingly tells Jessy: "Hakbangan mo si Lucky para siya ang maglihi."
by Melba R. Llanera
Published Aug 22, 2022
Vilma Santos, Luis Manzano, Jessy Mendiola
Vilma Santos on how she's updated with Jessy Mendiola's pregnancy: “Kasi magkapitbahay kami dito sa Alabang. Nakita namin si Jess medyo nung una, laging masakit ang ulo, parang nanghihina. Pero wala naman akong nakita na parang hirap na hirap na suka nang suka... Nung nalaman ko na positive si Jessy, tinuruan ko si Jess, ‘Hakbangan mo, hakbangan mo si Lucky para siya ang maglihi.’"
PHOTO/S: @rosavilmasantosrecto / @shairaluna via @senorita_jessy Instagram

Overhelmed sa saya at excitement si Vilma Santos ngayong nalalapit na siyang maging isang lola.

Magkaka-baby na ang anak niyang si Luis Manzano at misis nitong si Jessy Mendiola, na eksaktong limang buwan nang buntis.

Read: Jessy Mendiola, Luis Manzano expecting their first baby

Halos maiyak sa tuwa si Vilma nang kumpirmahin sa kanya nina Luis at Jessy ang good news.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vilma via Zoom noong August 20, 2022.

Kuwento ni Vilma: "May nung una naming nalaman, Mother's Day kung di ako nagkakamali.

“Hindi naman dahan-dahan. Sinabi na lang nila, Mother's Day na, kasi they were greeting me for Mother's Day.

“Sabi nila, ‘Happy Mother's Day! Happy Mother's Day!' May get-together dito ang pamilya.

"Sabi ni Lucky sa akin, ‘Mom, di mo ba siya babatiin?’ Sabi ko, ‘Happy Mother's Day!’

“Sabi niya, ‘Batiin mo na. Sabi ko, ‘Bakit?’ Sabi niya, ‘Batiin mo na.’ Sabi ko, ‘Anak naman!’ Sabi niya, ‘Hindi, batin mo na yung mother.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yun talagang maiyak-iyak ako, ‘Totoo ba? Totoo ba? Oh my god!’ Halos maiyak ako na hindi ako makapaniwala.

“Dyusko, sa tagal-tagal kong hinintay yung talagang apo, ngayon mayroon na. I'm looking forward kay Peanut."

"Peanut" ang pet name na ibinigay ng mag-asawa sa sanggol na nasa sinapupunan ni Jessy.

Tinanong namin si Ate Vi kung bakit naging Peanut ang palayaw na ibinigay sa magjging apo niya.

"Napag-usapan lang kasi namin nung nag-positive siya, ‘Peanut, Peanut,’ ayan hanggang naging Peanut na. Peanut na ang tawag namin, pero nanggaling din yun kay Lucky, nanggaling yun sa kanila.

“Nung malaman lang namin na preggy na nun si Jessy, basta paghalik ni Lucky sa tiyan ni Jess, sabi niya, ‘Hello, Peanut.’ Sabi ko, ‘Peanut ba iyan?’

“Kasi parang maliit, yung sac, parang maliit na peanut when they saw it. Parang may maliit nga raw na bilog na parang peanut, ‘O, si Peanut,’ hanggang ngayon si Peanut na. May gumagalaw na, Peanut pa rin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May payo si Vilma kina Luis at Jessy ngayong nalalapit nang maging magulang ang mga ito.

"Maiiba ang buhay nila, e. Kasi you wouldn't know as a mom, kahit ano ang sabihin mo, ‘Naku, alam mo pag naging nanay ka na ganito mangyayari sa iyo…’

“Alam mo, you wouldn't know until ikaw mismo makakita na mayroong buhay na nanggaling sa iyo, na dun mo lang mare-realize na kaya mong ipagpalit ang buhay mo para sa mga anak mo.

“Definitely pag lumabas na si Peanut, maiiba more or less next step ang status ng buhay nila as family. Kahit papaano may mga priorities sila na maiiba, and I told them to prepare for that.

“Iba na pag nandiyan na ang baby kaya kailangan it's more understanding. Ang thinking nila it's more of—ikaw, ako, hindi na—family na ang tingin mo dito. It's not only you’re my wife, you’re my husband; you're a mom, and you're a dad, you're a father.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Maiiba sigurado ang buhay nila. So, kailangan as early as this, i-prepare na nila ang sarili nila para sa maganda. More on positive kaya lang holistic na yung approach niyan. Family na ang tingin diyan, hindi na iyan man and wife, hindi na. Family na ang tingin diyan."

HOT STORIES

VILMA ON BEING NEIGHBORS WITH LUIS AND JESSY

Ayon pa kay Vilma, dumaan si Jessy sa normal na paglilihi pero ipinagpapasalamat nilang hindi ito gaanong nahirapan.

Natatawang pagkukuwento pa ng aktres, mukhang si Luis ang mas naglihi sa dalawa.

"Oo, kasi magkapitbahay kami dito sa Alabang. Nakita namin si Jess medyo nung una, laging masakit ang ulo, parang nanghihina.

“Pero wala naman akong nakita na parang hirap na hirap na hindi nakagalaw, o hirap na hirap na suka nang suka, hindi naman.

"Kumportable pa rin naman, kumportable pa rin naman yung pagiging pregnant niya though siyempre may mga side effects, which is expected, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi naman siya suka nang suka. Di naman umabot ng ganun. Basta ang alam ko, si Lucky, laging gutom, parang tamad bumangon. Baka siya ang naglilihi.”

Kuwelang sabi pa ni Vilma, “Nung nalaman ko na positive si Jessy, tinuruan ko si Jess, ‘Hakbangan mo, hakbangan mo si Lucky para siya ang maglihi.’

“Na-experience ko iyan, e. Sila ang tamad, ayaw gumalaw, laging may hinahanap na food.

"Kaya tinuruan ko talaga si Jess, ‘Hakbangan mo, hakbangan mo pag tulog.’ Kaya parang si Lucky pa nga ang parang naglihi, I think."

Ano ang cravings ni Jessy noon?

“Ang alam ko, ang madalas niyang itawag dito fishballs. Gustung-gusto niya yung fishballs saka yung may sauce.

"Lagi niyang tinatawag dito, ‘Mayroon ba diyang fishballs?’ Para gumawa ng sauce, ayun.

“Ewan ko kung fishballs ang napaglihian ni Jess."

WHAT KIND OF GRANNY VILMA WILL BE

Katuparan ng matagal nang hiling ni Vilma ang pagkakaroon ng apo. Anong klaseng lola kaya siya sa kanyang unang apo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Marami ang nagsasabi sa akin—pero di ko alam—mai-spoil mo raw iyan. Kung nai-spoil mo ang anak mo, mas mai-spoil mo raw ang apo. Kung in-enjoy mo ang anak mo, mas mae-enjoy mo raw ang apo. I wouldn't know.

“But the thing is, kung nakikita ko ang sarili ko kung paano ako mag-alaga sa pamangkin ko o sa anak ng iba, hindi ko ma-imagine pag apo ko na. Baka ayokong madapa. Hindi naman ayaw padapuan ng lamok, sabi nila.

“I wouldn't know until nandiyan siya. Pero sabi nila, ganun daw. Hindi ko alam. Basta excited ako pag nandiyan na siya.

"Hindi ko alam kung i-spoil-in ko or bawal ma-spoil yung bata. I have no idea until I see my apo."

Dagdag niya, “Ang tawag kasi sa akin ng mga pamangkin ko ay Momsie. Sila Lucky, Momskie ang tawag sa akin bilang Mommy.

"Sa mga apo ko, sila Nate, ang tawag sa akin Momsie, kaya si Peanut, Momsie Vi."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Vilma Santos, excited nang maging "Momsie" sa first baby nina Luis Manzano at Jessy Mendiola

Natatawa na rin si Ate Vi sa joke sa kanya ni Luis na pag dumating na si Peanut ay makawilihan niyang alagaan ito.

Kuwento niya, “Christmas or early New Year yun, yun ang due niya, ni Jess, ang galing!

"May joke nga kami nila Lucky, may joke si Lucky, tatawagan ako, ‘Hello, Mom.’ Sasabihin ko, ‘Bakit? Bakit niyo naman kailangang sunduin si Peanut?’

“‘E, Mom, two years na siya sa iyo. Two years na diyan si Peanut, baka puwedeng masundo na?’ Hahahahaha! Yun pala nakababad sa akin ang apo ko, ganun pala yun."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vilma Santos on how she's updated with Jessy Mendiola's pregnancy: “Kasi magkapitbahay kami dito sa Alabang. Nakita namin si Jess medyo nung una, laging masakit ang ulo, parang nanghihina. Pero wala naman akong nakita na parang hirap na hirap na suka nang suka... Nung nalaman ko na positive si Jessy, tinuruan ko si Jess, ‘Hakbangan mo, hakbangan mo si Lucky para siya ang maglihi.’"
PHOTO/S: @rosavilmasantosrecto / @shairaluna via @senorita_jessy Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results