PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vilma Santos excited for first apo from Luis, Jessy

"MOMSIE NA AKO!!!!"
by PEP Troika
Published Aug 12, 2022
vilma santos luis jessy
Sa wakas ay mangyayari na ang matagal nang inaasam ng Star For All Seasons na si Vilma Santos: ang magkaroon ng apo! Inanunsiyo nina Luis Manzano at Jessy Mendiola kagabi, August 11, na magkaka-baby na sila.
PHOTO/S: Jessy Mendiola YouTube

GORGY RULA

Sobrang tuwa ng Star for All Season na si Vilma Santos nang naka-text siya ng PEP Troika nitong Huwebes ng gabi, August 11, 2022.

May pinaghahandaan daw siya sa kanyang vlog nang ibinalita sa kanya ng mag-asawang Luis Manzano at Jessy Mendiola na magkaka-baby na sila.

Read: Jessy Mendiola is pregnant, expecting first baby with Luis Manzano

Hinintay lang daw niyang ilabas ni Jessy sa kanilang YouTube channel ang magandang balitang ito.

Text ni Ate Vi sa amin: “Soooo happy and we feel blessed!! Alam nyo na matagal na ako naghihintay ng apo!!

“Happy for Lucky and Jess!! MOMSIE NA AKO!!!! [thumbs up, laugh and hearts emoji]”

Sabi ni Ate Vi, "Momskie" kasi ang tawag sa kanya nina Luis at Jessy.

Ang mga apo raw niya sa mga pamangkin niya ay "Momsie" rin ang tawag sa kanya. Kaya sa halip na "Lola" ang itatawag ng kanyang magiging first apo ay Momsie na raw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“You will see in my vlog. Sooo happy too for Lucky and Jess!! Momsie na ako!!! (LOLA) [laugh ang thumbs up emoji],” text niya pa sa PEP Troika.

Read: Vilma Santos on having her first apo: "Excited pero ayokong ma-pressure."

Sinubukan din naming i-text si Edu Manzano para sa kanyang reaction, pero wala pa siyang sagot at press time.

Congratulations uli kina Luis at Jessy, at hangad ng PEP Troika ang safe at masaya lang na pagbubuntis ni Jessy, hanggang sa kanyang panganganak.

JERRY OLEA

Sa sonogram na ipinost ni Jessy, July 13, 2022 ang petsa.

jessy mendiola pregnant

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matagal nang na-confirm ang pagbubuntis. Halos isang buwan nilang ninamnam ang good news bago nila ito in-announce.

Masaya tayo para kina Luis at Jessy, pati sa Momshie for All Seasons na si Ate Vi.

Parang nakikini-kinita natin ang tears of joy ni Luis sakaling masilayan ang kanyang panganay.

At least, hindi naunahan ni Ryan Christian Recto ang kanyang kuya sa pagbibigay ng apo kay Ate Vi!

NOEL FERRER

Dati pa handang-handa ang ating mahal na Ate Vi sa role niya bilang lola. At yun na nga, mauuna pa yun kaysa sa church wedding nina Luis at Jessy.

Habang hinihintay pa ang pagdating ng batang ito, sana mapanood muna natin si Ate Vi sa isang magandang pelikula na puwede na niyang gawin since pinili niya muna ang pribadong buhay at mag-take muna ng break sa politika.

Basta si Ate Vi, laging nandito lang tayong nakasuporta!!!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa wakas ay mangyayari na ang matagal nang inaasam ng Star For All Seasons na si Vilma Santos: ang magkaroon ng apo! Inanunsiyo nina Luis Manzano at Jessy Mendiola kagabi, August 11, na magkaka-baby na sila.
PHOTO/S: Jessy Mendiola YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results